Dream
Napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa may dibdib niya saka bumalik sa mukha niyang puno ng pag-aalala.
Mabilis akong napa-ayos ng tayo saka mabilis na pumasok sa banyo. "O-Ok lang ako" sagot ko nang tuluyang maisara ang pintuan. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil sobrang bilis ng kabog ng puso ko.
Ilang sandali lang ay kumalma rin ako saka na naligo. Nang makababa ako ay nakabihis na si Levi at may naihanda ng pagkain.
"Good morning" He greeted with a smile. Napatitig ako sa mukha niya.
"Kilala mo ba si Prince Merlin?" Tanong ko habang umuupo.
"Who's that?"
"Si Prince Merlin yung sa Red shoes and the seven drawfs"
"A movie?" Tanong niya habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.
I nodded "Hindi mo alam 'yon?"
"Nope, what about him?" Tanong niya ulit habang naglalagay naman ng pagkain sa plato niya.
"Magkamukha kayo kapag ngumingiti ka" sabi ko sabay sumubo.
"Does he look handsome?" Tanong niya ulit kaya napatango ako kasi busy ako sa pagnguya. Tumango lang siya saka na nagpatuloy sa pagkain at ganon din ang ginawa ko.
"Dalian mo malalate tayo" dinig kong sabi ni Levi.
"Bakit mo ba 'ko inaantay? Mauna kana, kotse ko gagamitin ko" sabi ko habang sinisintas ang sapatos ko. Friday kasi ngayon kaya nakapang P.E. kami.
"Your car isn't here yet, wala kang choice kung hindi ang sumabay sa'kin"
"Ano?!" Nakakunot noong baling ko sakanya. Tumango siya saka lumapit sa'kin saka lumuhod sa harapan ko para isintas ang kaliwang sapatos.
Nang matapos ay isinarado ko na ang bahay bago pumasok sa kotse ni Levi. Gaya nga ng sabi niya, wala akong choice kung hindi ang sumabay sakanya.
"Stop the car" sabi ko ng malapit na kami sa main gate.
"Ibababa na kita sa main gate" he said kaya mabilis akong umiling kahit pa hindi siya nakatingin sa'kin.
"Hindi pwede alam ng mga studyante dito ang plate number ng kotse mo" sabi ko. Paano ko nalaman? E paano ba naman sikat na siya kahit bagohan palang dahil nga nasa banda siya nina Chase.
"Bye" sabi ko bago bumaba.
"Take care, wifey" dinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang makababa.
Gulat akong napaiwas ng tingin ng may makita akong mga ka schoolmate ko na papalapit sa gawi ko. Mabilis akong naglakad para hindi ipahalata na bumaba ako sa kotse.
"Z!" Tawag ni Clara ng makapasok ako sa gate.
"Ano?" Tanong ko ng makalapit sa kanya.
"Alam mo ba na kasali si Levi sa band nina Chase!" Sigaw na sabi niya sabay pakita sa'kin nung post about dito.
"Alam ko kahapon pa" sabi ko saka na nagsimulang maglakad.
"Ano kaya ang kakantahin nila sa foundation?"
"Aba malay ko, hindi ba mga studyante ang pipili non?"
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
Teen FictionLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...