CHAPTER 16

64 2 0
                                    

Luckiest person

Napapikit ako sa sobrang pagkahilo. Nasa klase ako ngayon ngunit hindi ko magawang intindihin ang itinuturo ng prof namin.

"Ok ka lang ba?" Pabulong na tanong ni Clara.

"Oo, medyo nahihilo lang" Pabulong rin na sagot ko. Nagulat ako nang bigla niyang inilagay ang likod ng palad niya sa leeg ko.

 

"Gaga ka! Ang init mo!" Gulat na saad niya nang mahawakan niya rin ang noo ko.

"Alam ko namang hot ako," sabi ko sabay ngisi.

"Aray! Masakit!" Reklamo ko nang bigla niyang pinalo ang braso ko. Nanghihina na nga ang katawan ko hahampasin pa!

"Ang ibig kong sabihin ang taas ng lagnat mo! Pumunta ka na nga sa clinic" Utos niya sa'kin. Bahagya akong umiling. "Ayoko," sagot ko naman. Ang pangit ng atmosphere don. Mas lalala lang ang sakit ko.

"Umuwi kana kaya? Last subject na rin naman na 'to" Nag-aalalang saad niya. Napabuntong hininga ako dahil sa sobrang pagkakulit niya.

 

"Uuwi ako kapag natapos na 'to, Last subject na rin naman" Sagot ko. Isang subject na nga lang ang titiisin ko, uuwi pa ba ako? Huwag na uy!

"Pahiram mo nalang ako ng notes mo," sabi ko saka siya nginitian. Hindi kasi ako makapagsulat dahil sa pagkahilo ko. Hindi ko rin naman maintindihan kung magsusulat pa rin ako.

Natapos ang klase namin na halos nakapikit lang ako. Ipinasok ko nalang ng kahit papaano ang mga gamit ko sa bag ko. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Clara dahil sa sobrang pagmamadali ko. Hindi ko kasi magawang tumayo ng matagal. Sumasakit ng sobra ang mga paa ko.

 

Hindi ko alam kung maiiyak ako o kung ano habang naglalakad dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Ipinilit ko ang sarili ko na magmaneho pauwi. Naisip ko na sasabay nalang sana ako kay Levi kaso naalala ko galit nga pala siya sa'kin.

 



Walang lakas na nagpalit ako ng pambahay at nagsuot ng hoodie. Sobrang lamig na kasi ng hangin ngayon dahil magde–december na rin.

 

Humiga ako sa kama at pinilit ang sarili ko na matulog. Nang hindi ako makatulog ay tumayo ako tsaka kumuha ng tubig at gamot.

 

"Bakit ba siya nagalit?" Tanong ko sa sarili ko. Kanina ko pa 'yon iniisip. Ano bang nasabi ko na ikinagalit niya? Wala naman akong sinabing kinakahiya ko siya, ah?

 


Naramdaman ko na may nakatitig sa'kin. Nakatulog pala ako. Dahan–dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ang nakakunot–noong si Levi sa harapan ko habang ang likod ng palad niya ay nasa noo ko.

 

Bahagya kong inilayo ang ulo ko dahilan upang bumaba ang tingin niya sa'kin. Nakakunot noo siyang lumabas. Galit pa rin ba sa'kin 'yon? Magso-sorry ba ako? Pero bakit ako magso-sorry? Wala naman akong ginawang mali. Sa katunayan nga siya dapat 'tong magpa-sorry sa'kin dahil nagalit siya ng walang dahilan.

Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon