Lovelife
"Oo, sinabi na 'yon kahapon" Pag sang-ayon ko kay Clara. Pinag-uusapan kasi namin 'yung tungkol sa isa naming subject na ipagte-test namin bukas. Hell week kasi at last day na bukas.
"Beh, alam mo ba 'yung nangyari kahapon sa C&B?" Biglang tanong ni Clara habang nililigpit ang mga gamit niya.
"C&B?"
"'Yung Cups and Books Cafe malapit sa school"
"Ano nangyari?"
"Si Zoey napahiya" Narinig ko ang mahinang pagtawa niya dahilan upang mapalingon ako sakaniya. Zoey? 'Di ba siya 'yung girlfriend ng dating team captain ng basketball? Bakit naman siya napahiya?
"Zoey? As in Basketball Queen Zoey?" Takang tanong ko. That's what they call her. Queen. May malapad na ngiting mabilis na tumango si Clara. "Bakit?"
"Ganito kasi 'yung chika, sinigawan daw siya ni Levi sa C&B," pagkukwento niya saka umupo sa tabi ko. "Sabi nila sinigawan daw siya ni Levi dahil panay ang dikit. Pero ang sabi ng iba hindi naman daw talaga ganon ang nangyari. Malumanay daw sinabihan ni Levi na lubayan siya ni Zoey"
"Eh 'di ba may boyfriend si Zoey? Ang galing ng chismis mo, nakakalito" Inirapan ko siya saka sinimulan ang pagliligpit ng mga gamit ko.
"Beh 'di pa ako tapos! Alam ko naman 'yung totoong kwento pero syempre sasabihin ko muna 'yung pinagsasabi ng audience," Tumatawang saad niya. "Ready ka na ba?"
Huminga ako ng malalim saka siya tinignan. "Kwento na" Tumawa siya saka malapad na ngumiti. Tuwang-tuwa si gaga!
"Sa pagkakaalam ko nakipag break si Zoey kay Francis noong lumipat dito si Levi," aniya saka isinandal ang kaniyang likod sa upuan. "Simula no'ng nag break sila ni Francis, lagi ng nakabuntot si Zoey kay Levi. Eto namang si Levi e friendly pero ramdam naman talaga na hindi niya gusto si Zoey. Kaso tanga talaga si Zoey e, hindi makaramdam ang gaga" Umiiling na sabi niya. Napangiti naman ako dahil halatang dismayado si Clara sakanya.
"Ayun na nga nagconfess si Zoey kay Levi kahit sobrang halata naman na gusto niya si Levi. Nireject siya ni Levi kasi raw hindi pwede, may gusto raw si Levi," pagkukwento niya pa saka ipinatong ang baba niya sa likod ng palad niya. May nagugustuhan si Levi? Ah.... 'yung babae sa party.
"Sino raw?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa'kin saka rin nag-iwas ng tingin. "Hindi niya sinabi kung sino pero ang sabi niya he likes someone na may mga letter E sa pangalan. Eto namang si Zoey inassume na siya 'yon, kasi nga Zoey name niya may E" Pagpapaliwanag niya na para bang hindi ko nagets.
"Sino kaya 'yun?" Nakakunot ang noo niya habang ang tingin ay nasa harapan. Mukhang may iniisip.
"Shit!"
"Ay shit! Ano ba! Muntikan ko tuloy mahulog 'tong laptop!" Masama ang tingin na singhal ko sakaniya.
"Ikaw!" Pambabalewala niya sa sinabi ko. "Ako?" Nakakunot-noong tanong ko.
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
Teen FictionLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...