CHAPTER 14

75 3 0
                                    

My tahanan

May malapad na ngiti sa kanyang mukha habang ilang sandali pang nakatitig sa'kin. "'Di ba si Ara?"



Nabaling naman ang tingin ko kay Ara ng sinabi niya 'to. Napahinto si Ara sa pagsubo habang tinitignan kaming lahat.



"Ok lang?" Hindi siguradong saad niya.



"Lagi namang ganyan ang sagot mo eh" Dismayadong saad ko bago uminom. Si Ara 'yung pinaka nasa healthy relationship saamin tutal siya lang naman ang nasa relasyon, pero hindi ko sila tinigilan dahil alam kong may nakakausap ang mga 'to kaya inisa-isa ko sila.





"Ikaw Z?" Baling sa'kin ni Lara. Pinag-uusapan kung sino ang pupunta mamaya.



"Ha? Ah ewan, oo siguro" Hindi siguradong sagot ko.



Plano ko sana ay hindi na pupunta, kaso ako na nagsabi kung saan kami magkikita-kita para sabay-sabay na kaming pumunta.





Nang makauwi ako ay naabutan kong nagluluto sa kusina si Levi. Lalagpasan ko na sana siya at aakyat na sa kwarto ko upang makapagpahinga muna.



"Hi wifey," Bati niya bago pa ako makalagpas sa kusina.



"Hey," saad ko nalang atsaka na mabilis na naglakad papaakyat. Naligo na muna ako saka humiga sa kama ko. Naramdaman ko 'yung pagod at antok kaya nang may marinig akong katok ay hindi na 'ko sumagot. I'm too tired to talk and move kaya hinayaan ko nalang ito hanggang sa tumigil.





Nagising ako bandang six-thirty pero hindi pa rin ako tumayo no'n dahil inaatok pa 'ko. Nang bumaba ako ay hindi ko inaasahang nasa sala pala si Levi. Didiretso na sana ako sa kusina nang hindi siya pinapansin ngunit napatigil ako sa paglalakad nang magsalita siya.



"Hanggang kailan mo 'ko iiwasan?" Rinig kong tanong niya. Napatingin ako sakaniya. Nakakrus ang mga braso niya sa kaniyang dibdib habang seryosong nakatingin sa'kin.



"Ha?"



"Wifey, may nagawa ba 'ko?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sa'kin.



"Ha? Wala naman" sagot ko habang sinusundan siya ng tingin. Huminto siya sa tapat ko.



"Kung wala, bakit mo 'ko iniiwasan?"



"Iniiwasan ba kita? Hindi naman" Nag-iwas ako ng tingin sakanya saka na sana siya lalagpasan ngunit hinarangan niya ang dadaanan ko.



"Hindi ako tanga para hindi mapansin na umiiwas ka" Seryosong saad niya habang para bang nakikipag-patintero sa'kin. Napabuntong hininga ako saka tumigil sa pagpilit na paglagpas sakanya tsaka siya tinignan ng diretso sa mga mata.



"Hindi kita iniiwasan, dumidistansiya lang ako. I don't want you to lose your chance to your crush" Seryosong paliwanag ko.



"Crush? Sino?"



"'Yung babae sa party"



"Si Kira?" Tanong niya. Mukha bang kakilala ko 'yon?



"Are you jealous?" Biglang umaliwalas ang mukha niya at hindi maitago ang ngisi. Napakunot naman ako ng noo.



"Ako magseselos? Bakit naman?" Eh mas maganda naman ako do'n. Napairap ako sakanya dahilan upang mas lalo siyang matawa.



"Bakit naman hindi?" Tanong niya. Nang-aasar lalo.



"Kasi wala naman dapat ika-selos at hindi naman dapat" Seryosong saad ko.



Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon