Wifey
Hindi na sana ako lilingon dahil wala naman siyang binanggit na pangalan ngunit ang gagang si Clara ay napatingin.
"Pamilyar ang boses nun" aniya saka napalinga sa paligid hanggang sa mapalingon siya sa kinatatayuan nina Levi. Napatigil ako sa paglalakad ngunit hindi ako lumingon.
"Hoy diba 'yun yung sumundo sayo kahapon?" Malakas na sabi niya saka bumaling sa'kin ang malala pa don ay nakaturo siya kay Levi.
"Tangina mo ibaba mo nga 'yung kamay mo, turo ka ng turo!" May diing sabi ko dahil nakakahiya siya.
"Eh baket? Magkakilala naman kayo ah" aniya pa. Magsasalita pa sana ako ngunit nagulat ako nang bigla siyang naglakad papunta sa kinatatayuan nina Levi.
"Hello! Ano name mo?" Rinig kong tanong niya. Putangina neto, kaya 'di magandang kasama e.
"I'm Leonardo Vincentous Del Fierro, Levi for short" Rinig kong sagot naman ni Levi. Shit! Ano ba gagawin ko? Aalis na ba ako?
"Ang ganda naman ng pangalan mo Levi, parang si Levi Ackerman. Baka ikaw na ang Levi sa buhay ni Z" ani Clara. Jusko! Aalis na 'ko! Kahihiyan! Maglalakad na sana ako papaalis ngunit nakakaisang hakbang palang ako ay bigla akong tinawag ni Clara.
"Hoy Zarah!" Aniya kaya naman napabaling ako. Shit!
"H-Hi!" Mahinang sabi ko saka bahagyang kumaway.
"Hi wifey!" May malapad na ngiting bati ni Levi sa'kin.
"Oh, Hi wifey daw– ha?" Nalilitong baling ni Clara kay Levi.
"Wifey, didn't you know?"
"Know ang alin?" Takang tanong ni Clara saka nagpabalik-balik ang tingin ni Clara sa'min.
"That we–" Hindi na natuloy ni Levi ang sasabihin niya dahil kaagad akong sumingit sa usapan nila.
"We will we will rock you" pagkanta ko. Nasa pagitan nila akong dalawa. Nasa likuran ko si Levi habang nakaharap naman ako kay Clara.
"Hanap ka na ni Kevin, mars" Pagiiba ko ng usapan.
"Anong Kevin? Sinong Kevin ba? Adam nga, Adam!" Nakakunot-noong sabi niya saka pa sumimangot.
"Oo, si A-Adam! Hanap ka na niya" sabi ko saka pa ngumiti.
"Ah! Sige, iwan ko na kayo" aniya. "Bye Levi, nice meeting you" sabi niya pa saka kumaway kay Levi pagkatapos sa'kin bago tuluyang umalis. Nang masigurado kong wala na siya ay humarap ako kay Levi.
"Ngayon ba simula ng pagpasok mo rito?" Tanong ko. Mukhang nagulat siya kaya medyo natagalan siya bago sumagot.
"Yeah" aniya.
"Mukhang palakaibigan ka naman, 'di ka rin naman malilito sa pasikot-sikot ng school kaya maiwan na kita" sabi ko saka na akmang aalis ngunit hinila niya ang pulso ko dahilan upang mapatigil ako.
"Wait, I have a question"
"Ano?"
"Don't your friends know that you’re engaged?" Tanong niya. Hindi ko inaasahan na 'yon ang itatanong niya kaya medyo napaisip pa ako.
"Hindi, kahit sino hindi alam maliban sa mga magulang natin"
"But why?"
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
Teen FictionLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...