Things haven't changed
"So nagkita kayo?" Tanong ni Autumn na ikinatango ko.
"Ano may girlfriend na ba kaya tinanggal mo na 'yung singsing mo?" Biglang tanong naman ni Xena dahilan upang mapatingin ako sa kamay ko kung saan dapat nakasuot ang singsing ko.
"Nawala. Ipagtatanong ko nalang sa mga kasama ko next week." Napag-isipan ko na hayaan nalang kung mawala man. Wala na rin naman 'yung sakaniya atyaka ayokong magmukhang hindi napa nakakamove on, 'no!
"Hayaan mo nalang 'yun. Bilhan nalang kita ng bago," alok ni Autumn.
"Sige ba!" Mabilis kong sagot.
"Ang bilis talaga ng hayop na 'to pagdating sa libre." Umiiling na sambit niya dahilan upang matawa ako. Sino ba naman tatanggi sa libre?
"Wala ba kayong pa free taste ngayon?" Baling ko kay Ara.
"Next week pa," sagot niya sabay subo ng pasta niya.
"Balik ako next week, ha?" Sabi ko saka matamis siyang nginitian.
"Hoy, teh! Ang yaman mo tapos umaasa ka lang sa mga free taste?" Hindi makapaniwalang saad ni Autumn.
"Ganon magpayaman, beh. Mindset ba mindset," sagot ko habang tinuturo ang sentido ko.
"Oo nga pala, hindi ba this week ang uwi ni Lara?" Tanong ko sabay subo ng sisig at kanin.
"Oo. Bukas daw," sagot ni Xena na nakatiningin sa cellphone niya.
"Ano 'yun for good na ba?" Tanong ko.
"Hindi pa yata. Uuwi lang siya para tignan 'yung sa hospital nila," sagot naman ni Autumn.
"Akala ko ba teh, lilipat ka sakanila?" Tanong ko kay Autumn. Noong nakaraan na nagkita kasi kami nabanggit niya na lilipat siya sa hospital nina Lara.
"Lilipat nga. Nag-aantay lang ako ng magandang pagkakataon umalis sa pinagtatrabahuhan ko ngayon," sagot naman niya na ikinatango ko.
"Hoy, 'di ba ang sabi mo rin noong nakaraan may ilalabas kayong bagong product ng Vida?" Tanong ni Lia.
"Oo. Pinag-iisipan ko kasi kung ano pa 'yung magiging theme kaya hindi pa namin masasabi kung kailan malalabas." Bagsak ang balikat na sagot ko.
Halos mag iisang buwan ko na rin iniisip kung anong susunod na magiging theme ng ilalabas namin na make up. Simula kasi nang mag resign si mama wala na akong ibang choice kung hindi i handle ang Vida. Halos tatlong taon ko na rin hinahandle 'yun, mabuti nalang at maayos naman ang nagiging resulta ng pangangalaga ko.
Napatingin ako sa cellphone ko na nasa gilid ng bigla itong tumunog. "Hello?"
"Hello, ma'am Zarah? Itatanong ko lang po kung ico-confirm po ba 'yung meeting bukas with the architect and engineer?"
"Yes, i-confirm mo na. Tell the others that we will have a meeting after my meeting with them."
"Sige po." Nagpaalam na siya kaya ibinaba ko na ang tawag.
"Wow, boss na boss ah." Panunukso ni Xena.
"Akala niyo ba kayo hindi ganito? Ganito rin kayo makipag-usap sa telepono, huy!" Nakangusong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
Novela JuvenilLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...