CHAPTER 31

54 2 2
                                    

Graduate


"Hoy!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang mga kaibigan ko.



"Huwag mong sabihin na hindi ka pupunta sa graduation?!" Parang gulat na saad ni Autumn nang makita akong nasa kama pa.



"Hindi nga." Walang ganang sagot ko.



"Gago ka ba?" Kunot-noong ani Xena. "Last day na nga lang 'to sa school, ayaw mo pang pumunta!"



"Ano namang gagawin ko ro'n? Kukunin lang naman 'yung diploma, ang tagal pa ng ceremony." Paliwanag ko habang yakap-yakap pa rin ang unan ko.



"Eh ano naman? Last na rin naman 'to! Wala na nga si Lara tapos ayaw mo pang pumunta!" Panenermon ni Autumn.



"Ano naman? I video call nyo nalang ako," sabi ko saka humiga sa kabilang side ng kama.



"Bakit ba ayaw mo?" Tanong ni Ara.



"Oo nga! Huwag mong sabihing ayaw mong mag-attend ng graduation dahil ayaw mong makita si Levi?!" Gulat na tanong ni Autumn.



"Hindi ha!" Kaagad kong deny nang makaupo at makaharap sakaniya.



"Eh ano? Huwag mong sabihin na tamad ka lang dahil sa'ting lahat ikaw ang ayaw na ayaw mag-absent sa ganitong bagay dahil ika mo nga 'sayang 'yung memories na mabubuo dahil once in a life time lang mangyari.' Hindi ba?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Xena.



"Eh kasi naman, ayoko silang makita!" Pag-aamin ko. Halos isang linggo na rin ang lumipas simula noong huli kaming nagkita ni Levi kaya hindi ko alam kung paano siya haharapin.



"Ano naman kung makita mo sila? Hindi naman sila ang pupuntahan mo ro'n! Graduation mo, it's about you!" Sabi ni Autumn sabay turo sa'kin.



"Oo nga. Edi kapag nakita mo sila batiin mo ng hello!" Suggestion pa ni Lia na ginatungan ni Xena ng, "Tama!" sabay apir.



"Oo na pupunta na 'ko! Ang dami niyong sinabi!" Irap ko sakanila. "Ayun lang ba ang pinunta niyo rito? Sana tinawagan niyo nalang ako."



"Hindi ka naman namin ma-co-convince sa tawag! Atyaka malay ba namin kung miss mo na kami, isang linggo mo ring hindi nakita ang maganda kong mukha." Nagmamagandang sabi ni Xena.

Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon