CHAPTER 19

57 1 0
                                    

Yolo


Simula kaninang umalis kami sa bahay ay hindi ko maalis ang tingin ko kay Levi.


"Is there a problem, Wifey?" Tanong niya na para bang nagpabalik sa'kin sa realidad. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko saka bahagyang umiling.


"Wifey, c'mon, tell me what's the problem," aniya. Napaisip ako kung sasabihin ko ba o hindi.


"Levi, if you're given a chance to stop this engagement, would you take it?" I asked.


"Would you want me to?" Tanong niya dahilan upang mapakunot noo ako.


"Ha?"


"Would you want me to take the chance? Hindi lang naman ako 'yung nasa set up na 'to, kasama ka. So I'm still going to ask you if gugustuhin mo bang i take ko 'yung chance." Seryosong sagot niya saka sumulyap saglit sa'kin kasabay no'n ay ang bahagyang pagngiti niya.


"Pero kung ikaw, will you take the chance?" Tanong ko ulit. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala ng tinignan niya ulit ako kaya naman bahagya akong ngumiti.


"I won't." He answered then gave me a smile. I nodded.


"Me too." I whispered. Tinanggihan ko ang alok ni mama kahapon. I don't know why but I didn't hesitate to say no. Alam kong napakatanga ko para humindi dahil 'yun naman talaga ang gusto ko. Ang makawala sa engagement na 'to. But it suddenly crossed my mind that I'm not going to be happy if I took the chance. Napaka tanga pero I'd rather cry at the end than regret letting the man beside me go.




Nakatulog ako sa buong byahe dahil napuyat ako kagabi kakaisip kung tama ba ang naging desisyon ko. Ginising nalang ako ni Levi nang nasa lugar na kami.


"Hi tita!" Bati ko kay tita Viela nang makita sila na halos kakarating lang din.


"Hello, Z!" Nakangiting bati niya sa'kin saka bumeso. Binati ko rin ang tatay ni Levi bago kami pumasok sa loob.


"Zarah!" Masayang tawag ni mama nang makita ako. Lumapit siya sa'kin na nakabukas ang mga bisig, handa nang yumakap. Kakakita lang nyan namin kahapon.


Ibinigay na sa'min ang mga susi kung saan ang matutulugan namin. Tito Leo and Tita Viela got their rooms while me and my mom argued kung saan ba ako matutulog. Ang gusto kasi niya ay sa iisang kwarto nalang kami ni Levi, habang ang gusto ko naman ay sa kwarto niya. I still ended up sleeping with Levi though.


"Maliligo ka ba?" Biglang tanong ni Levi nang makapasok kami sa kwarto. Bahagya naman akong tumango nang makalapit sa mga gamit namin na buhat niya kanina.


"Take a rest before taking a bath. Kakausapin ko lang si papa." Paalam niya. Tumango pa 'ko kahit na nakalabas na siya ng pintuan. Napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame.

Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon