Taken
"Hi guys!" Biglang sulpot ni ate Althea. Buti nalang at dumating siya dahil simula kaninang umupo sina Levi sa table namin ay walang nagsalita, nagtititigan lang sila.
"Magkakakilala pala kayo?" Tanong ni ate Althea. Hindi ko alam kung sasagot ba 'ko o ano. Napatingin ako sa mga kasama ko na hindi rin nagsalita.
"We kinda know each other," sabi ni Lara na ikinatango ko habang ang tingin ay nasa mesa.
"Thats great! Papakilala ko talaga sila sa inyo para naman magkajowa na ang mga paborito kong kaibigan ng kapatid ko" ani ate Althea. Jowa? Sila? 'Wag na lang, mas ok nang tumanda ng dalaga.
"So bet nyo ba ang isa't isa?" Tanong ulit niya. Napatingin ako sa mga kasama ko. Muntik na kong matawa dahil puro nakalukot ang mga mukha nila. "Ay ok, walang sasagot? Ganon? Hay! Iiwan ko na nga muna kayo, Enjoy the party guys." She said then waved before she left.
"Oo nga naman bakit ba ang tahimik niyo?" Tanong ng nasa harapan ko. "By the way, I'm Levi" pagpapakilala niya saka naglahad ng kamay sa harapan ni Lara.
"Lara" Pakilala ni Lara pabalik saka nakipag shake hands.
"Ara" Pakilala rin ni Ara nang sakaniya na tumapat ang kamay ni Levi.
Napataas ako ng isang kilay ng sa'kin na tumapat ang kamay niya. "Lul" sabi ko saka pinag-krus ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko. Tumawa lang siya saka na nagpatuloy sa pagpapakilala kina Lia at Xe. Sumunod naman na nagpakilala si Chase, pagkatapos ay si Cassius.
"I'm Cassius" Pakilala ni Cassius saka naglahad ng kamay sa harapan ko. Nakangiti ko namang tinanggap ang kamay niya sabay sabing. "Zarah, Z for short." Sumunod sakaniya si Klein na sinamaan ko ng tingin at para bang pinagbabantaan. Panghuli naman ay si Khione.
"So paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Autumn ng matapos na ang kaganapan na pagpapakilala.
"Magkakakilala na kami before pa 'ko mag transfer, friends of friends. Naging close nalang ng sumali ako sa banda nila." Pagkukwento ni Levi. Nagkukwento naman pala 'tong lalaking 'to. Matanungan nga kapag nasa bahay.
"Guys we'll get going now." Pagpapaalam ni Khione. Napatingin naman ako kay Klein na tumayo rin.
"It was nice meeting you guys," ani Klein saka nagpalibot ng tingin sa'min. "Bye, baby" pang-aasar niya kay Xe kaya naman napairap si Xena.
Nang makaalis na ang dalawa ay biglang tumahimik na muli ang mga tao sa table namin. Napatingin ako sa phone ko na nasa mesa ng bigla itong umilaw. Nag message si Lia sa group chat namin. Nagtatanong kung bakit hindi pa raw umalis sina Levi dahil inaantok na siya sa katahimikan na'min.
Peregrin_Z: Magtanong kasi kayo
Liaraastrid: Ano tatanong?
XenaMortem: Tanong niyo kung taken ang mga 'yan, baka may sabit.
Peregrin_Z: Baket, may bet ka ba sakanila?
XenaMortem: Wala, gago ba?
Peregrin_Z: Sus! @Autumnkhalista tanong mo sakanila kung may mga girlfriend sila.
"So may girlfriend ba kayo?" Tanong ni Autumn kaya naman napatingin ako sa mga lalaking nasa harap na'min.
"Single" magkasabay na sabi ni Cassius at Chase. Single pala si Cassius, omg! It's my time to shine na.
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
Fiksi RemajaLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...