Home
"I'm leaving now"
"Who?"
"I am–"
"Asked" pagputol ko sakaniya habang ang tingin ay nasa pinapanood.
"You're still mad?" dinig kong tanong niya.
"Bakit naman ako magagalit?" Tanong ko pabalik sabay padabog na kumuha ng cheezy sa lalagyan habang inaalala 'yung nangyari kagabi.
"Ang corny mo!" Sabi ko sabay bato ng isang pirasong popcorn sa mukha niya.
"Seriously what's your instagram acc?" Natatawang aniya.
"Amin na nga!" Sabi ko saka kinuha ang phone niya. Sinearch ko 'yung acc ko saka ibinalik sa kaniya 'yung phone niya. Narinig kong tumunog 'yung phone ko kaya kinuha ko ito.
"levinotackerman?" Takang basa ko sa notification na lumitaw.
"Mhm... It’s cute," aniya habang nakatingin sa phone niya. Napatingin ulit ako sa phone ko upang i stalk sana siya.
"Ano 'to?! Saan mo nakuha 'to?!" Gulat na baling ko sakaniya habang ipinapakita ang nasa pangalawang unahan na post niya. It was posted yesterday. Its a photo of a front door, may anino ng isang bata rito habang ang nakapaskil sa pintuan ay "welcome home" Ang caption ng mismong post ay Home.
"Why? Its cute," aniya habang nakangiting kinukuha sa'kin ang phone ko.
"Anong cute cute ka diyan?! Sino nagbigay sayo niyan?!"
"Galing sa mama mo. She suddenly sent it to me," sabi niya naman. "I didn't know it was you"
"I didn't know, I didn't know ka dyan! Wala naman ibang anak si mama kung hindi ako kaya imposibleng hindi sa'kin 'yang baby pic na 'yan!" Sabi ko sabay bawi ng phone ko sa kamay niya.
"Tanggalin mo 'to! Ang dami pa naman nakakaalam ng account mo!" dagdag ko pa habang ang tingin ay nasa phone, tinitignan ang mga nakafollow sa kaniya. Karamihan sa mga 'to ay mga schoolmate namin. Puro babae pa!
"Hayaan mo sila. Hindi naman nila alam na ikaw 'yan" seryosong sabi niya saka kinuha ang remote sa center table at naghanap ng mapapanood.
"Wifey, 'di naman nila malalaman na ikaw 'yon. The shadow wasn't even noticeable" aniya dahilan upang mapabaling ako sa kaniya.
"Oh baket? Wala naman akong sinabi, ah? Diba aalis ka pa? Umalis kana" sabi ko saka umayos ng upo.
"I'll be home late.... I think" dinig kong sabi niya ng nasa harapan na siya ng pinto.
"Kahit 'wag ka na umuwi" mahinang sabi ko kasabay nito ang pagsarado ng pinto. Nagpatuloy nalang ako sa panonood saka naligo nang maalalang pupunta nga pala kami sa birthday ng ate ni Ara.
Napagplanuhan nalang namin nina Lara na magkita-kita sa venue kaya naman hindi sabay-sabay ang pagdating namin doon. Sinundo ko muna si Lia dahil dadaanan ko rin naman siya. Tamad magmaneho ang gago!
"Tangina mo, ang kapal ng mukha mo, ginawa mo 'kong driver!" singhal ko ng maka-upo sa shotgun seat si Lia. Tinawanan niya lang ako habang nagsusuot siya ng seatbelt.
"Happy birthday, ate!" Masayang bati ko ng makasalubong namin si Ate Althea nang papasok kami. Sinalubong kasi kami ni Ara sa entrance dahil may ibang bisita ring inaasikaso si ate Althea.
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
Teen FictionLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...