CHAPTER 32

50 2 1
                                    

Eight years

"Hoy! Nag da-daydream ka nanaman dyan!" Natatawang saad ni Thims.



"Panira ka naman!" Nakakunot noong saad ko.



"Bakit ba panay ang daydream mo dyan? Kung sinagot mo nalang 'yung pogi mong manliligaw edi sana nagkakatotoo lahat ng 'yan." Naiiling niyang saad habang inaayos ang lipstick niya.



"Hindi ko manliligaw 'yun, magkaibigan lang talaga kami," saad ko naman saka kinuha ang powder ko sa bag.



"Kaibigan? Ako ba pinaglololoko mo ha? Almost a year ka na niyang nililigawan tapos ganyan pa rin ang trato mo sakaniya? Omg ka!" Hindi makapaniwalang saad niya na para bang may nasabi akong hindi maganda.



"Alam mo, let's not talk about him." Suggestion ko nalang saka na inilagay sa bag ko 'yung powder. "Tara na. Hanap na siguro tayo nyan."



Habang naglalakad kami papunta sa cabin namin ay nakita namin si Captain Gavin na kumakaway sa'min kasama si Captain Liam.



"Kaya pala nagpaganda, jowa pala ang kasama." Panunukso ko kay Thims.



"Naman!" Nakangising saad niya naman. Masaya ang lovelife ni Thims kaya yata 'yung lovelife ko ang prinoproblema ng bruha.





Nang makasakay na ako sa eroplano ay hindi ko mapigilan ang kabahan. Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang may maling mangyayari o may nakalimutan ako.



"Miss 'yung scarf mo," sabi ng co-cabin crew ko kaya naman ako napatingin sa scarf ko. Nginitian ko siya at nagpasalamat bago ito inayos dahil natanggal pala ito sa pagkakatali.



Nagsimula ng dumating ang mga pasahero kaya naman umayos na kami ng sabihan kami ng senior namin.



"Let me help you." Pag-aalok ko sa pasahero na inilalagay ang bagahe niya.



"Thank you," aniya saka na binigay sa'kin ang bagahe at umupo. May hawak itong baby kaya nahihirapan siya sa paglagay kanina. Nagpasalamt pa itong muli ng mailagay ko ang bagahe niya kaya naman nginitian ko ito bago umalis. Nag-antay kami hanggang sa magsalita na ang piloto ng ready for take off na.



"Flight attendants, prepare for take-off please. Cabin crew, please take your seats for take-off." Anunsyo ni captain.



Ilang oras pa bago kami nagsipunta sa lugar namin para sa safety demo. Napangiti ako sa paseherong bumati sa'kin ng pumosisyon ako sa posisyon ko. Nagsimula na ang safety demo namin. Habang isinasagawa namin ang safety demo ay hindi ko mapigilan ang pagtitig sa isang pamilyar na mukha. Hindi ko pinahalata ito dahil mapapagalitan ako atyaka hindi rin ako sigurado kung siya 'yon dahil hindi siya nakatingin sa'kin.



"Ladies and gentlemen, the Captain has turned off the Fasten Seat Belt sign, and you may now move around the cabin. However we always recommend to keep your seat belt fastened while you're seated. In a few moments, the flight attendants will be passing around the cabin to offer you hot or cold drinks, as well as breakfast/dinner/supper/a light meal/a snack. Alcoholic drinks are also available at a nominal charge/with our compliments. Now, sit back, relax, and enjoy the flight. Thank you." sabi ng senior namin.



Nang matapos kami ay nawala rin ito sa isip ko at kaagad na akong nagassist sa mga pasahero. Pumunta ako sa Galley upang kumuha ng pagkain at iniayos sa trolley. Habang naglalakad ako ay napatigil ako sa banda kung saan ko naririnig 'yong ingay kanina pa.



Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon