Mahal kita
"Manahimik ka nga!" Naiinis na baling ko kay Levi. It’s been two weeks since nag-usap kami nang masinsinan ni Levi. At sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay marami nang nangyari, kagaya ng pagpunta namin sa iba't ibang uri ng celebration ng mga business partners nina mama.
"Isusumbong kita sa nanay mo. Lagi mo nalang akong inaaway!" Nakakunot noong sabi niya.
"Magsumbong ka kung kaya mo," sabi ko saka siya inirapan. Itinuon ko ang pansin ko sa cake na dine-decorate ko. Noong nakaraang araw kasi naisipan ko na magbake ng cake para kay mama since birthday niya na bukas. Tinuturuan naman ako ni Levi sa kung ano ang gagawin ko since marunong siyang magbake. Nakakairita lang dahil bawat galaw ko ay may nasasabi siya.
"You do the lettering" Binigay ko sakaniya 'yung piping bag. "'Wag kang umiling-iling dyan, dalian mo!" Sigaw ko dahil napakabagal niya kumilos.
"Lagi ka nalang galit! Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?!" Kunot noong tanong niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na sinagot. Bumaling ako sa lababo upang maghugas ng kamay dahil andaming nakadikit na icing.
"Anong ilalagay ko dito?" Rinig kong tanong niya.
"Happy birthday sa'yo, sana hindi na uminit ang ulo mo," natatawang saad ko. "tapos ilagay mo, nagmamahal, anak mong maganda." Dagdag ko pa habang nagpupunas ng kamay.
"Ilagay mo yung maganda!" Inis na sabi ko sabay hampas sa braso niya. Ang nilagay niya lang kasi ay "nagmamahal, ang anak mo" Desisyon eh! Hindi naman siya magbibigay!
"Baka wala ng kumain ng cake kapag nabasa 'yun" Seryosong sabi niya. Aba gago 'to ah!
"Levi sinasabi ko sayo, 'wag mo ng sirain pa 'yung araw ko" Sa bawat araw na kasama ko 'tong lalaking 'to lagi nalang akong naiinis.
"Lagi kayong nagsisigawang dalawa! Dinaig niyo pa 'yung mag-asawa!" Bulyaw ni nanay Tesa sa'min pagpasok niya ng kusina. Dumating si Nanay Tesa last week. Siya 'yung sinasabi ni mama na makakasama namin sa bahay.
"Siya po nay, lagi nalang galit sa'kin" Pagsusumbong ni Levi sabay turo sa'kin. Napairap nalang ako sa pag-asta niya na parang bata.
Lumapit ako kay Nanay Tesa saka siya hinila papalayo kay Levi. "Halika na nay, hayaan na na'tin si Levi maghugas dyan," sabi ko habang hinihila si nanay papalabas ng kusina.
"Ha? Ah– Teka lang! Wifey!" Rinig kong tawag ni Levi. Hinayaan ko lang siya na para bang walang narinig.
"Magpahinga na po muna kayo, kami na po bahala do'n" Nakangiting sabi ko bago iniwan si Nanay Tesa sa kwarto niya. May katandaan na rin si Nanay kaya hindi naman pwedeng siya lahat gumawa ng gawaing bahay. Isa pa ang gusto lang naman talaga ni mama ay may kasama kaming matanda.
Nang balikan ko si Levi ay nakita kong naghuhugas na siya ng mga plato. Tinaasan niya ko ng kilay ng lumapit ako sakaniya.
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
Roman pour AdolescentsLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...