Take the risk
"Gusto niya si Eve?" Tanong ni Xe sabay kain ng piattos. Tumango ako saka kumain ng cheese stick.
"Naniwala ka naman?" Tanong niya ulit.
"Alangan hindi? Eh siya na nga mismo nagsabi," sagot ko naman nang malunok ang kinakain ko.
"Tanga mo." Biglang sabi ni Autumn.
"Mana sayo," sagot ko saka siya nginitian.
"Mmm... kaya magkaibigan kayo e," dagdag ni Xena. Wow! Akala mo siya hindi tanga.
"Pero totoo nga, Z, ang gulo mo." saad ni Autumn. "Kapag sinasabi ni Levi na gusto ka niya hindi ka naniniwala, pero nung sinabi niyang gusto niya si Eve kaagad ka naman naniwala."
"Eh ano ba dapat? Paniwalaan ko na gusto niya 'ko? 'Wag na, uy! Ayokong umasa"
"Ewan ko sa'yo, Zarah! Ilang beses ka na ba niyang sinabihan na gusto ka niya? Ilang ulit pa ba para maniwala ka?" Tanong naman ni Xena.
"Eh baket? Malay ko ba kung nagbibiro lang siya." Napa-irap ako. Totoo naman e. 'Yung tono ni Levi sa tuwing sinasabi niya 'yon ay parang nagbibiro lang.
"Kapag naman sineryoso niya hindi ka pa rin naman maniniwala. Bakit hindi mo maramdaman na dinadaan nalang niya sa biro para hindi ka lumayo sakaniya?" Aniya pa.
"Eh paano kung nagbibiro lang talaga siya?" Kunot noong tanong ko. Ang gulo ng mga tao!
"Ay! Ewan ko sa'yo! Ang gulo ng lovelife mo!" Saad ni Autumn.
"Ayan na pala 'yung payapa lovelife e" Turo ko sa kakarating na si Ara.
"Ano?"
"Musta bebe time, lods?" Nakangiting tanong ko sakaniya. Buti pa 'to maganda kapalaran sa pag-ibig.
"Aalis kami mamaya, hanggang anong oras tayo?" Tanong niya nang makaupo sa tabi ko.
"Kararating mo lang, pag-alis na kaagad iniisip mo." Nakangiwing saad ko.
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
أدب المراهقينLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...