CHAPTER 27

52 2 0
                                    

Tiring....


"Ang tagal." Naiinip na sabi ko kay Levi. Kinukuha niya kasi 'yung binake naming cupcakes and cake para sa parents niya dahil wedding anniversary nila ngayon. Nag-aya sila mag dinner.



"Nakuha mo na lahat?" Tanong ko nang makalabas na siya sa pinto. Tumango naman siya saka dumiretyo sa sasakyan niya. Sinarado ko muna ang pinto saka na sumakay sa sasakyan niya.





"Levi may tanong nga ako," saad ko. Halos papalapit na kami sa restaurant ngunit kanina pa 'ko binabagabag ng tanong na 'to.



"Hm?"



"Kailan mo balak matigil 'to?" Tanong ko.



"Huh?"



"Last time." Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko o hindi.



"Last time?"



"Noong sinundo kita, ang sabi mo gusto mo si Eve," saad ko. What the hell? I sounded so bitter. "Anong balak mo ngayon? You like someone so it means our set-up should end."



"I said that?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya. "Hindi ko pa alam. Hindi pa ako sigurado. Baka nasabi ko lang 'yon dahil sa pagkalasing ko," aniya. 



Pero sobrang klaro ng pagkakasabi mo kagabi. Na para bang sigurado ka na sa nararamdaman mo. Gusto kong sabihin ang mga salitang 'to pero baka kung anong isipin niya.



Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana  upang hindi niya makita ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. Kahit kailan 'tong putanginang pag-ibig na 'to hindi ako nananalo!



Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami sa restaurant. Dinala ko 'yung box ng cake at si Levi naman do'n sa cupcakes.




"Happy anniversary po" Masayang bati ko nang makalapit kina Tita Viela at Tito Leo. Wala pa si mama dito, mukhang may meeting pa.



"Thank you, hija." Masayang sabi ni Tita Viela. Ngumiti naman ako saka umupo nang sinenyasan ako ni Levi na umupo sa upuan na hila niya.



"Oo nga pala! Hindi ba't mag iisang taon na rin kayo ni Levi?" Tanong niya. Gulat nalang akong tumango. Hindi naman kami ni Levi.

Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon