CHAPTER 03

125 2 0
                                    

First time

"Ha? A-Anong ibig mong sabihin?" Gulat na napalingon ako sa kaniya.



"Who told you that I want to break this engagement?" Tanong niya ulit habang nakabaling sa'kin.



"What do you mean? Huwag mong sabihing ok lang sayo ang ma-engage sa taong hindi mo kilala?" Gulat na tanong ko.



"Of course" He immediately said.



"Anong of course? Nababaliw ka ba?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi pwede 'to! Paano nalang ang mga plano ko? "Is this your first time?"



"First time?"



"First time being engaged" kaagad kong sagot na ikinatango niya. Kaya naman pala!



"Kaya pala..." Tumatangong sabi ko saka nag-umpisang maglakad "Huwag kang mag-alala ako ang bahala sayo" sabi ko pa saka bumaling sakaniya para kumindat.



"Where are we going?" Rinig kong tanong niya sa likuran ko. Ilang sandali pa ay nasa tabi ko na siya.



"Uuwi" simpleng sagot ko. Hindi naman na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa harapan ng sasakyan niya.



"Where do you live?" Tanong niya nang makapasok siya sa driver seat.



"Sa bahay" sagot ko habang isinusuot ang seat belt. "Ano?" Tanong ko ulit nang mapansing nakatitig siya sa'kin. May mali ba akong nasabi?



"I mean saang lugar?" Aniya habang nakakunot ang noo.



"Linawin mo kasi" umiiling kong sabi. "Magmaneho ka lang, sasabihin ko na lang kung liliko ka o hindi"



"Baka iligaw mo 'ko" Biglang sabi niya na ikinakunot noo ko. Gago ba 'to? Mukha ba akong nanliligaw ng tao?



"Bakit naman kita ililigaw? Mabait ako kaya mag maneho ka na"



"Your mom said you're not" sabi niya habang pinaaandar ang sasakyan.



"Anong I'm not?"



"Hindi ka daw mabait at mag-ingat ako sayo" Aniya na ikina-nganga ko. Grabe, nanay ko pa talaga nagsabi no'n?



"Huwag kang maniniwala kay mama, scammer 'yon, sakin ka lang dapat makikinig" sabi ko habang kinukuha ang phone ko. "I coconnect ko ha?" Pagpapaalam ko. Tumango naman siya kaya naman pinakialaman ko na ang bluetooth ng sasakyan niya.



"I'd rather listen to your mom" sagot niya na ikinangiwi ko.



"Baket nanay ko ba mapapangasawa mo?"



"Baket hahayaan mo bang matuloy ang kasal na 'to?" Mabilis na tanong niya.



"Hindi" sagot ko naman. May sinabi pa siya ngunit pabulong lang 'yon kaya hindi ko nalang pinansin.





"Liko ka dyan tapos unang grey na gate" sabi ko.




"So this is where I'm going to live?" Tanong niya nang makarating kami sa harapan ng bahay namin.



"Hindi no!"



"But your mom said that we're going to live together" aniya habang seryoso ang tingin sa'kin. Oo nga pero hindi dito dahil sigurado akong hindi papayag si mama na sa sarili niyang pamamahay kami titira kahit siya pa ang nagsuggest no'n.



Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon