CHAPTER 6

455 3 0
                                    

Manila Peninsula.

Full alert sa buong gusali.

Sandamakmak ang mga nakaparadang sasakyan sa labas ng prestihiyosong hotel. Nagdulot din ng matinding trapik ang pagbalik panaog ng iba-ibang klase ng katauhan.

Sa main entrance malapit sa water fountain na napaliligiran ng kumikislap na ilaw ay nakalatag ang mahabang carpet na pula na patungo sa sampung palapag na hagdanan papunta sa glass doors. Naroroon ang mga naka-tuxedo na ushers para bigyan ng assistance ang mga imbitado sa naturang seremonya.

Malaking bahagi rin ang mga mababangong bulaklak na amoy-Downy sa hallway habang ang isang cameraman naman ang abalang abala sa pagkuha ng mga litrato ng mga dumaraan. Hindi rin magkamayaw ang mga fans sa paligid ng gusali.

Ang ibang media na nag-iinterbiyu ay hinahayaan sa gilid ng entrance upang hindi makaistorbo sa iba pang mga delegado.

Hindi ito OSCARS pero pawang mga sikat na bituin ang mga dumaraan sa carpet dahil sa mga sosyal nilang pananamit. Ang mga Filipiniana na damit gawa nina Rajo Laurel at Francis Libiran ay ibinida ng mga panauhin mula sa Kalakhang Maynila. Mula sa itim na limousine ay lalabas sina Senator Miriam Defensor-Santiago at Pia Cayetano na galing sa kanilang meeting sa Senado.

Sinundan ito ng mga delegado ng Philippine Daily Inquirer at Pilipino Star Ngayon na ang mga babae ay pumili ng gown na piña-made. Giliw na giliw na naglakad din sina Nicole Hiyala at Chris Tsuper na agad nagpa-picture at nakipag-interbiyu. Muntik na ring matapilok sa kanyang three-inched heels ang Mutya ng Masa na si Ces Oreña-Drilon dahil nahuli ang kanyang konsorteng si Ted Failon galing sa loob ng likurang compartment ng sasakyan.

Pansin na pansin ang blooming na smile mula sa artistang si Marian Rivera na ang kasamang naglakad ay si Dingdong Avanzado dahil may taping ang kanyang mister ng pelikula. Hinihintay ng lahat ang paghinto ng plate number na EDD 214 dahil ito ang gamit na sasakyan ng gwapong aktor na si Coco Martin ngunit sa pagbaba ng sakay nito ay tatambad sa kanila si Kiray Celis at Bugoy Drilon.

Agad nadismaya ang mga 'Coconatics' at nag-walk out.
Sobrang maporma naman ang host ng event na Manager nina Janice sa Broadcasting Company sa kanyang all-black suite na ka-holding hands ang fiancee na Half-Persian Half-American.

Sinundan ito ng mga kawani ng KAPISANAN NG MGA BROADKASTER NG PILIPINAS, National Union of the Journalists in the Philippines at National Press Club.

Ang Editor ng kilalang Candy magazine ay namigay pa ng mga sample copies nila para sa mga taong naghihiyawan.

Ang presentors ng mga award na sina Pia Guanio, Eula Caballero, Vandolph Quizon at Kuya Tonipet ay sunod sunod na naglakad sa red carpet. Humabol din si Kitkat na kakanta ng Intermission number at ang grupong Mayonnaise na isiningit lang ang schedule na ito bago lumipad ng India para sa isa pang concert.

Over over naman ang gown made by Randy Ortiz para kay Melai Cantiveros na inalalayan ng ibang usher na lalaki pero nang makita ang pagdaan ni Georgina Wilson, iniwanan ito at todo pagbabantay sa covergirl.

Inanyayahan din ang mga grupo ng ballet dancers galing sa University of Santo Tomas at si Myrus na magpopromote ng kanyang bagong album at naghagis pa ng ilang cd sa audience.

May mga dumating din galing Surigao at Marawi Press na naka-Muslim attire at ang ABS-CBN Davao na siyang gagawaran ng Special Citation for Regional Network Group.

Kasama na rin nila ang Negros Broadcasting Cooperatives na Maskara Festival ang motiff ng damit. Ang mga bisita mula sa iba-ibang panig ng mundo ay todo mangha rin sa pagiging hospitable ng maraming Pilipino. Highlight din ng okasyon ang mga delegado mula Burma na kasisimula pa lamang magkaroon ng Freedom of Expressions.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now