CHAPTER 28

401 0 0
                                    


Lumalamig ang simoy ng hangin.




Ang temperatura sa Baguio City ay umaabot sa 15 degrees Centigrade habang sa Tawi-Tawi naman ay 28. Katamtaman din ang patak ng ulan habang ang kaulapan ay sumasaglit upang magbigay lilim sa mga taong kalye. Maaamoy din sa labasan ang mga namumukadkad na bagong bulaklak ng orchids at sampaguita sa bakuran nina Janice Behosano. Dahil maganda ang sikat ni Haring Araw, tinapos ni Leo ang lahat ng kanyang labahin sa palanggana kasabay ng ilang mapanghing panty ng kanyang lola. Pagkatapos unti-unting isampay sa alambre sa ilalim ng punong niyog, bigla namang dumating ang isang violet na Mitsubishi Van sa kabilang bahay. Nang pagbuksan ng lolo ang kanilang gate at ipinasok ang sasakyan, bumungad sa kanila ang mag-asawang nasa higit trenta anyos na at ang isang kyut na kyut na batang lalaki. May dalang bolang maliit at sige siya sa pagdidribol. Ilang minuto pa'y lumabas ng basta ang bata at mas piniling maglaro sa gilid ng kalye na hindi na nabantayan ng mga abalang magulang na kumukuha ng mga gamit mula sa sasakyan. Maya-maya ay mapapansin ng ina na nawawala ang bata...

JULIUS!!! JULIUS!!! JULIUS!!!

Malakas na tawag ng ina ng bata na hinanap sa loob ng sasakyan at sa loob ng bahay. Tumawag din ito ng pansin sa kahimbingan ni Janice sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

JULIUS!!! JULIUS!!! JULIUS!!!

Biglang babangon si Janice na naka-sando at shorts. Susundan ang tinig mula sa labas

JULIUS!!! JULIUS!!! JULIUS!!!

Mabilis na bumaba mula sa hagdan si Janice, binuksan ang pinto at kanilang gate.

"Julius! Nariyan ka lang pala sa tabi!", banggit ng nanay ng bata na kakargahin ang nakaupong bata sa tapat ng gate nina Janice. Lalabas din ang tatay na kukunin ang naiwang bola at kakaway sa nakatitig na si Janice... "Pasensiya na ho, Ate!"

Ngingiti si Janice saglit at malulungkot hanggang sa makitang nagsipasok sa loob ng bahay na katabi nila, ang mag-anak. Dahan-dahan niyang isasara ang gate at titingin sa lola na pabulong na kumakanta sa kanyang wheelchair. Bigla siyang may maririnig mula sa labas.








MISS JANICE BEHOSANO! JANICE BEHOSANO!!!

Magugulat ito at mae-excite sa pagtalikod at pagbukas muli ng gate.

"Miss Janice Behosano po???", tanong ng nakasumbrerong mama

"Ako nga po!", nakangiting bungad ni Janice sa kausap at kukunin ang papel ng mama

"Bill po sa tubig...Sige po!", wika ng mama sabay alis ng bahay at dadako sa tapat nito

Manunumbalik ang lungkot na nadarama ni Janice at isasara muli ang gate. Paglingon ay makikita naman niya ang walang pang-itaas na pinsan na abalang nagsasampay ng mga nilabhan. Bigla siyang may maririnig muli mula sa labas.

BEHOSANO! JANICE BEHOSANO PO!!!

Magugulat ito at mae-excite sa pagtalikod at pagbukas muli ng gate.

"Kayo po si Janice Behosano???", tanong ng haggard na mama

"Ako nga po!", nakangiting bungad ni Janice sa kausap at kukunin ang papel ng mama

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now