CHAPTER 48

295 0 0
                                    


Isang malawak na pamayanan sa Rodriguez, Rizal ang paglilipatan ng mga residenteng nagsisiksikan at nagkukumpulan sa Sitio Bartolome I. 

Kaya naman, sinisikap ng lokal na pamahalaan na kumbinsihing maigi ang mga squatter kasama ng mga nagtayo ng bahay malapit sa Ilog Pasig na mag-impake na ng mga gamit at ibang kasangkapan upang sumabay sa libreng sakay ng MMDA patungo sa mga bagong bahay... maliliit man,komportable pa rin at ligtas. Ang mga may bitbit na bata ang inuna kasama ng mga buntis at uugud-ugod na matanda. Ang lahat ng pipiling lumipat ay bibigyan ng Pangkabuhayan Package na taniman ng alugbati at malunggay kasama ang Entertainment Showcase na libreng 'black and white' 18 inches TV galing sa mga pinaglumaan ng Abensons. Sa unang dating sa bahay na iyon ay may naghihintay na Medical Personnels mula sa Red Cross na mag-checheck up ng mga kalagayan ng tao at feeding program ng DSWD na sopas at tinapay para sa mga nagugutom. Hindi magiging mabilis ang paglikas dahil sa iba't ibang aberya na nagaganap partikular na sa pakikipag-usap ng barangay officials at pagtatalo ng kabilang paksiyong nagpupumilit na manatili sa naturang sitio. Nakapaligid roon ang maraming pulis kasama na ang media na nagcocover sa magaganap na demolisyon. Mula sa likuran ng malaking trak na nasira ang gulong ay may babaeng tatawag sa kanyang cellphone.

"Hello... Hello...Hello Sis!", banggit ng babaeng sumandal sa may trak

Tinawagan niya ang isa pang babaeng staff na nakaupo sa kanyang silya at nakaharap sa computer na nananaliksik sa isang pangalan.

"Yes... Sis, okay na ang phone mo?", tanong ni Janice habang hawak ang cellphone sa loob ng cubicle

"Ay! Oo Sis... eto nga at sinubukan ko, pinaayos ko kay Kuya Estong...", banggit ni Rhyna na nasa kabilang linya na makikita ang pagdaan ng kasamang lalaking staff na si Estong at nagpaalam na jijingle, "May napindot lang pala ako sa Call Settings..."

"Well, okay! Mabuti at wala pang tensiyon diyan sa demolisyon...", sambit ni Janice na kukunin ang mouse sa desk at magba-browse ng page sa Opera Explorer

"Wala... wala pa naman, Tsaka hinihintay pa nila yung libreng sakay na bus... nagpa-gas pa ata..."

"Ganun ba? Oh siya, ingat kayo ni Kuya Estong diyan ah! Usap na lang tayo pagbalik niyo rito sa opisina"

"Sige Sis at baka mahuli ka pa ni EIC na gumagamit ng cellphone during work hours...Bye!!!", banggit ni Rhyna na lalayo sa trak at maglalakad ng kaunti. Hindi niya mapapansin ang malumot na sahig at madudulas siya rito ng bahagya, "Ayyy!"

"Oh! Anong nangyari sa'yo diyan?", pangambang tanong ng kausap sa cellphone

"Wa... Wala! Muntikan lang akong matalisod... Itong trak na 'to kasi eh!"

"Oh siya sige...Ingat sa report mo!"

"Okay... Babu!",banggit ni Rhyna at mawawala ang tinig sa cellphone


Pagkatapos umihip sa bangs ay itinago ni Janice ang cellphone at nagpatuloy sa pananaliksik. Ang kanyang Summary Report ay kumpleto na sa kabila ng pagkawala ng kanyang CONFIDENTIAL DOCUMENTS AND INTERVIEWS na folder.Ang ilang natitirang soft copy file ng ebidensiya ay sadya muna niyang itinago sa USB Flash Drive sa oras na kailanganin ng otoridad.Isang espesyal at pansariling proyekto naman ang kanyang gagawin...proyekto na maaaring may kinalaman sa pagkamatay ng maraming tao...proyektong may kinalaman kay Mya Lopez...    HUWAAAARH!


Tiningnan niya ang kopyang resume at credentials na nakuha sa Human Resources. Inisa-isa ang bawat nakalagay hanggang sa makita ang email... Nagtype siya ng URL sa Explorer at binuksan ang Facebook account. Mayroong friend request si Janice mula sa nakilalang Student Journalist sa napuntahang unibersidad na kanya namang in-accept... maya-maya'y naisipan niyang i-search ang email na nakita sa papel ngunit ilang saglit pa'y walang ganitong account sa Facebook.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now