CHAPTER 24

566 0 0
                                    

"Ha! Ha! Ha! Ha!, Ito gusto ko... Dito tayo agad yaman! Rami Pera! Rami Pera! Foing Choi La! Ha! Ha!", malakas na hiyaw ng isang lalaking natatakpan ang mukha ng anino




Nasa normal na pamumuhay ang mga mahihirap sa squatter's area. Mula sa may plemang idinura ng isang basurero, madadaanan ito ng nakabisikletang pandak na lalaki na patungo sa isang abandonadong bodega at may bitbit na naka-plastik labo. Sa tuwing makakakita ng parak at barangay tanod, kailangang magpanggap na ordinaryong tambay lamang ito upang hindi mahalata sa iligal na ginagawa. Natural na masikip ang daanan hanggang sa pagbuksan siya ng pinto ng isa pang alalay na panot na napakamot sa ulo dahil sa mga nanganganak na lisa sa mga natitira nitong buhok. Magdadapithapon at sa pagsasara ng pinto ay magugulat ang bagong dating na alalay sa malakas na tinig ng lider sa kanyang opisina.




"Ha! Ha! Ha! Ang saya dito Piripinas! Tingnan niyo... Tingnan niyo mga gunggong!", at ipapakita ang frontpage ng isang diyaryo.

"Ti... Ti... nira ni Mang Kanor si...", basa ng panot na alalay sa hawak ng lider

"Ha???", pagtataka ng lider na agad bawi sa diyaryong 'Bomba' na hawak, "Ah... Hindi ito! Hindi ito! Piste!", at kukunin ang isa pang diyaryo sa kanyang lamesa, "Heto!!!"

"Patingin nga!", banggit ng isa pang alalay na may bitbit na supot, "Po... Poisonous Milk... Shu... She... Shines Again! A... anong ibig sabihin nun leader?"

"Gunggong! Ha ha! Kahit kailan wala kayo utak!", dagdag ng lider, "Ibig sabihin... mahusay ang pagdedeliver ng mga produktong may halo! Ha ha! May pera sa pulbura!"

"Ah... yun pala yun... wala ka bang tagalog na diyaryo diyan leader?", banggit ng alalay na inutusan sa labas at ibinigay sa lider ang supot

"Meron! Pero wala naman doon ang target natin! Mas kumpleto kasi ang impormasyon na nababasa ng marami sa diyaryong ito...", sambit ng lider sabay bagsak ng diyaryo sa upuan at bubuksan ang ibinigay na plastik labo, "Anong pagkain ito???"

"Chicken Carbonara leader! Bente isang order sa kanto! Masarap po yan kasi nilagyan nila ng imported na gatas sabi ng tindera!", banggit ng alalay na naghahanda na ng mga plato, kutsara at basong inumin sa bilog na lamesa

Mapapatigil ang leader, "Gatas??? Imported na gatas???"

"Opo leader! Paulit-ulit? Akin na nga iyan at malamon na sa plato! Kanina pa kumakalam ang tiyan namin ng partner ko eh!", dagdag ng inutusan sabay kindat sa kasama

"Sigurado kang hindi gatas natin ang lagay diyan ah!", sambit ng lider sabay bigay ng supot sa alalay na umupo na sa hapagkainan nila

"Ah... eh, hindi ko pala naitanong dun!", pakamot ulong banggit ng alalay

"Hwraaaah!", galit na sambit ng lider na pilit umiwas sa mga nagugutom na alalay, "Sige! Kayo una kain ah... Pag patay kayo, ibig sabihin gatas natin ang nariyan! Mga gung..."

Biglang magriring ang cellphone ng lider sa kanyang opisina. KRIIIIIING!




Pupuntahan ng lider ang kanyang cellphone at iiwan ang dalawang alalay na nag-uusap sa hindi kalayuan.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now