Ilang minuto bago matapos ang shift ng panggabi, ang ilang mga staff ay sobrang busy sa pag-aayos para sa sarili.
Ang ibang medyo puyat pa rin ay naghilamos ng mukha sa lababo gamit ang mga baong facial scrubs. May naglinis ng ngipin at nag-alis ng tinga gamit ang mga floss, may naglagay ng face powder, nag-lotion sa ilalim ng mata panlaban sa matinding eyebag at ang mga sumasakit ang ulo na nagpahid ng ointment sa mga batok.
Bago lisanin ang kanya-kanyang cubicle upang umuwi, naglinis ng mga kapapelan ang mga journalist at isinara ang mga ginamit na computer. May isang naka-prada heels na may bitbit na mga papel ang pumunta sa isang cubicle na katabi lamang ng kay Janice.
"Psst... Wendell!", tawag ni Mya sa staff na paalis na ng cubicle
"Yes Ma'am... Bakit po?!", wika ng staff na nag-aayos ng medyas na purple
"Ah... I need a stapler for these papers, I lost staples after using it in myriad reports so can I borrow yours?"
"Ah... kaso po nahiram na rin ni Mella bago siya pumuntang Copy Center but you can check...", wika ni Wendell na titingin sa katabing table, "Oh! Si Janice po pala may stapler dun sa desk... kunin niyo na lang po!"
"Oh! Thanks... well, my apology for disturbing you!", bawi ni Mya na pupunta sa kabilang cubicle at hahanapin ang stapler sa desk ni Janice
"No prob Ma'am!", wika ni Wendell at magpapatuloy sa pagtanggal ng himulmol sa kanyang medyas
Lilipat ng cubicle si Mya at makikita ang stapler sa desk ni Janice. Katabi lamang ito ng mga folders na ipinatung-patong sa tray sa gilid ng monitor. Pagkatapos gamitin ang stapler ay ilalapag ni Mya ang nahiram at uusisain ang mga sliding folders na may pangalan sa gilid. Habang nakamasid sa iba pang mga staff ay itataas niya ang ilang folders hanggang makita ang:
CONFIDENTIAL DOCUMENTS AND INTERVIEWS
Nanlaki ang mga mata ni Mya... nagcheck sa oras at kinuha ng patago ang folder patungo sa kanyang cubicle. Ang mga papel na kaninang bitbit ay kanyang itinago sa drawer. Isinilid din ni Mya ang nakuhang folder sa kanyang shoulder bag at mabilis na inayos ang desk para lisanin ang opisina. Hanggang sa magsipagdatingan ang mga staff na pumasok sa umaga ay kukunin niya ang time card upang i-punch sa may pintuan at didiretso sa elevator papuntang lobby. Mabilis ang kabog ng dibdib ng babae na ang paglalakad ay nag-iiwan ng tunog dahil sa pagbagsak ng takong sa tiles. Habang tumitingin sa paligid si Mya ay bigla itong magugulat sa pag-ring ng dalang cellphone.
HAAH!
May makakabangga siyang NBI Agent sa lobby na malapit sa exit door.
"Miss... okay ka lang?", tanong ng binatang aalalayan ang matutumbang babae
"Ah... Don't worry... I... I just need to go...", balisang sagot ni Mya
"Hmm... okay! Sorry sa pagkabangga...", dagdag ng binata na pagkatapos tawagin ng iba pang kasamahan ay sumunod ito papuntang elevator
"It's okay... ", nakatingin sa sahig na banggit ni Mya na kukunin ang kanina pang nag-aalburutong cellphone sa bag. Pipindutin ito at kakausapin ang tumawag, "Hell....lo!?"
Voiceover: (lalake) "Hello... Mya Darling! Musta ka naman at para ka namang hinihingal?"
YOU ARE READING
If we fall in-luv
Romansa"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis