CHAPTER 46

284 0 0
                                    



"By gathering the information from the World Health Organization, there are a total of 438 confirmed death toll cases of such poisonous milk in the entire world... 90 percent of which are infants aged from 0- 3 years. Mass graves are already made in Tanzania and Zaire while continuous number of hospitalized children increases in major parts of the Asia. Latest researches on vaccines are still not enough to fight the infectious bacteria that threatens the heart. However,major efforts are practised by the International Police to get information from their investigations with the help of media reports to penalize consortia behind these..."

Mababasa sa pangunahing mga pahayagan at tabloid ang mas lumalalang insidente ng pagkalason sa mga bata.

Sa Pilipinas, nag-utos na ng memorandum ang Malacañang na tutukan ang ganitong mga pagbebenta sa lahat ng panig ng bansa partikular na sa Panay Region na may pinakamaraming kaso ng pagkamatay. Nakikipag-ugnayan na rin ang maraming otoridad sa mamamahayag para sa mga impormasyong kanilang makakalap na magtuturo sa mga salarin. Sa kabila ng ganitong mga isyu, ang ibang staff naman sa Broadcasting Company ay nirerepaso ang iba pang mga artikulo na kanilang isasapubliko anumang oras mula rito.

"Graaaaabeh!Naku... Kapag nakita ko talaga ang lider ng ganyang panglalason dito sa atin? Ay! Makakatikim talaga siya ng upper cut sa akin! Kapow!",wika ni Rhyna pagkatapos makita ang kanilang pahayagan sa desk niJanice

"Kaya nga sila Inang pati ang mga kamag-anak namin sa Batanes na nagpapadede sa mga bata eh pinayuhan ko nang huwag nang bumili bili ng tingi kahit yung para sa kape nila... Siguraduhin nilang BFAD approved yung nakalagay sa balot", sambit ni Rubie na tatayo sa likuran ng aligagang si Janice

"Pero alam ko may napasok na isang pabrika ang mga pulis sa Shenzhen na pinaggagawan din ng mga gatas... ewan ko lang kung may mga lason ang ilan sa mga doon...", wika ni Rhyna na nakatingin kay Rubie na may new hair-do

"Asan ba yun???",bulong ni Janice sa sarili na pawang may hinahanap sa ilalim ng desk habang nakatuwad sa mga kasama

"Tsaka...",sambit ni Rubie na naguguluhan sa ikinikilos ni Janice, "Balita rin na may pinatay na namang isang Child Advocate at Journalist sa Peru dahil sa pagkabulilyaso sa pagdedeliver ng nakalalasong gatas doon eh!"

"Haaay... sobra na talaga yan, kumusta kaya ang investigation ng office natin diyan?!",usisa ni Rhyna

"Oo nga...",mapapaisip na sambit ni Rubie at titingin sa gumagalaw na puwet ng kaibigan. Sisipain niya ito ng paa, "Ano na ngang nangyayari sa Investigative Report mo dun Sis?"

"Aray naman!",banggit ni Janice na nauntog din sa may silya

"Ay! Pasensiya na", nakatawang sambit ni Rubie, "Ano bang inaapuhap mo diyan at kanina ka pang parang paniking hindi mapakali?"

"Ah... Eh...",banggit ni Janice habang tumatayo, "Nawawala kasi yung folder ng mga 'Documents and Interviews' ko na related sa pinasa kong Summary Report eh! Alam kong nandito lang yun sa tray ng files ko bago tayo magka-day off!"

"Hindi kaya naiwan mo lang sa Library Room mo sa bahay, Sis?", tanong ni Rhyna na naghahanap din sa paligid

"Hindi... sigurado akong nandito! Isasabay ko sana sa CD yun kay Chief Editor!"

"Eh bakit kasi hindi mo pa isinabay???", usisa ni Rubie

"Ii-scan ko pa kasi per page yun... mga cut-outs yun at xerox ng mga nakita kong related files sa National Library pati sa iba pang place na pinag-research ko for back-ups...", halos napapaiyak na banggit ni Janice

"Kung ganun...sana ini-scan mo muna bago ilapag diyan nuh!", wika ni Rhyna

"Ayun na nga eh...naging busy kasi ako sa mga notes ni Ju...", putol na banggit ni Janice

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now