CHAPTER 8

584 1 0
                                    

Ang Eredera sa Nueva Vizcaya.

Sampung kilometrong kuwadrado ang kabuuang sukat ng hasyendang inaalagaan ng isandaang trabahador. Katabi nito ang mahabang palayan ng mga Dominguez na kapag panahon na ng anihan ay nakapila na ang mga magsasaka na kanya-kanyang gagapas at kapag tuluyan nang naging bigas ay ilalagay sa sako at ibebenta sa mga dayuhing pamilihan.

Ang mga Dominguez ang laging kakumpitensiya ng mga Eriguel sa kabilang hasyenda pagdating sa pagtatanim. Ang tanging babae sa mga Dominguez na ina ng tatlong masasama ang ugali at hindi kagwapuhang mga anak na nasa beynte, desi-otso at kinse na edad, ay ang unang naging asawa ng ama ni John.

Naghiwalay lamang ito dahil hindi sila magkasundo sa pera at luho na nais ng babae. Nang makilala ang ama ng mga binatilyong Dominguez, agad nakuha ng babae ang buong kayamanan at kaharian na mayroon ang pamilya nito.

Lalo pa itong naging gahaman sa salapi nang mabili pa ng mga Dominguez ang kalahati ng hasyenda ng mga Eriguel para sa kanilang itatayong eksklusibong resort.

May anim na anak ang mag-asawang Eriguel.....

Likas na magigiliw ang pamilyang ito na matutulungin sa mga taumbayan kaya't laging nahahalal sa mataas na posisyon ng gobyerno tuwing may eleksiyon. Magpinsang buo ang lolo ni John at ama ng tumatayong haligi sa mga Eriguel na si Alfonso.

Isa sa mga suking customer nila ay ang ama ni John na kumukuha ng mga supil na manggang hinog upang ibenta sa Maynila. Isama na rin diyan ang mga sariwang rosas at iba pang klase ng bulaklak na inilalako ng mga Behosano sa Dangwa. Palagiang nakikita ni Nizz si John na binubuhat at nagdedeliver ng bulaklak sa Maynila mula sa kanilang dambuhalang sasakyan.

Hanggang sa magbanggaan ang dalawa at malaglag sa putik ang bitbit ni Nizz na sardinas na namamalengke ng mga panahong iyon. May parehas na talsik ng putik sa mga mukha ang dalawang teenager at kinuha ng binata ang sardinas na inabot naman ng dalagang nakatitig sa kanya.

Nang marinig ni John ang tawag ng driver na ama na aalis na sila, agad bumalik si John sa kanilang sasakyan. Si Nizz na nakatulala pa rin ay pinahid sa gilid ng damit ang maruming de-lata at bubulong ng "In-luv na ata ako!". Ngunit bago pa maganap ang lahat ng ito at maging Mr. and Mrs. Behosano ang dalawa, naging masugid na tagahanga na ni John ang eredera ng Nueva...

si Cassandra Eriguel.

Dahil bunsong anak at kaisa-isang babae, tinuring na prinsesa at lumaki sa layaw si Cassie.

Musmos pa lamang ito ay lagi na siyang pinagsisilbihan sa mansiyon. Hindi siya kakain ng almusal kung walang nakahain sa lamesa, hindi rin siya babangon upang pumasok sa eskuwela kung hindi siya gigisingin sa kama, tsaka laging nakahanda sa kanyang bulsa at minsa'y dala-dala ng yaya ang 90 percent isopropyl alcohol na ginagamit niya bago makipagkamay sa mga bagong kaibigang bata.

Mayroon na siyang tagapaglaba ng kanyang mga kasuotan, taga-sipilyo ng kanyang mga ngipin, tagapayong kapag sobrang taas ng init ng araw at kapag bumubuhos ang ulan, tagalinis ng loob ng tengang maraming luga, taga-suklay ng buhok kapag dumarami ang split ends at taga-injection ng kung anu-anong pampaganda para sa kanyang katawan

Suking suki ang teenager na Cassie sa mga SantaCruzan sa bayan. Kahit trying hard at feeling maganda, todo na lamang sa pagtaas ng dalawang kilay at pag-iipit ng ilong na pango upang magmukhang may tangos.

Dahil sa mayaman, tinitiis na lamang ng taumbayan ang nakakasuklam na aura ng babaeng ito. Mula sa pananamit hanggang sa pag-me-make-up, todo paglalagay din ng dekorasyon sa katawan ang mga alalay ng dalaga na kinuha pa ang mga bulaklak sa kanilang taniman.

Madalas pa nga siyang magpaagaw ng limampisong papel pa noon sa mga manunuod dahil barya lamang ito ng kanilang angkan. Noong nagbuhos ng kagandahan sa kanilang bahay ay pawang si Cassie lamang ang napagkaitan sa kanila dahil ang iba niyang gwapong mga kapatid na may sarili na ring mga pamilya at mga sosyal na ama't ina ay malayung malayo sa kanyang itsura.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now