CHAPTER 11

330 1 0
                                    

NEWSROOM HEADLINES.

"Tatlong Sindikato na sangkot sa panggagahasa ng isang Filipino Transgender... huli sa entrapment operation! Pero transgender, inurong ang kaso sa tatlo matapos pangakuan ng kasal ng nanggahasang macho!"

"Isang lolang nag-celebrate ng kanyang ikalimang debut, nahilo matapos isayaw ng ninety na hindi pa nakikilalang lalaki!"

"Bahay na natupok ng apoy sa may Quezon Avenue, pinalakpakan ng mga taumbayan. Grupo ng mga antik na may-ari nito... naubos!"

"Babaeng nagpanggap na ahente ng lupa nagreklamo sa pulisya. Lalakeng inireklamo niya, nagpanggap na buyer ng lupa!"

"Lolong may Alzheimer's Disease sa Sultan Kudarat, pinakulong ng sariling apo matapos nakawin ang limang 18 karat-Gold na kuwintas! Dipensa ni lolo kung saan niya itinago ang mga ito... wala siyang maalala!"

"Isang tindera ng Papel de Hapon, inireklamo ng mga customer dahil sa Made In UK na ibinebenta nito. Tatlo pa niyang kasamahan, pinaghahanap"

"Embalsamador... inuwi sa sariling bahay ang pinapatapos na sampung urgent works dahil sa masikip na morgue, mga kapitbahay... nagsipagtakbuhan!"

"Alamin: Paano makakatulog sa hating gabi na hindi na kailangang ipikit ang mga mata?"

"Bagong batas na tungkol sa maruruming sahig... nilalampaso na ng mga Senador sa Senado!"

"Iba-ibang klase ng posisyon at itsura ng hindi nakakahiyang pag-utot sa mga pampublikong lugar, kita sa CCTV!"

"Sa Showbiz Balita: Bamboo, Apl de Ap, Mitoy Yonting at Robi Domingo... gagawan ng remake ang popular na F4 sa title na 'The Voice Over Flowers', fans ni Sarah G gusto ang pop princess maging Jan Di!"

"Sa Special Patrol: Mga batang nagkakasakit dahil sa nabibiling peke at murang gatas sa mga tindahan, dumarami!"

"At sa ating text votes, 'Sang-ayon ba kayo na gawing everyday ang CHRISTMAS DAY sa Pilipinas upang 365 days na may holiday sa bansa?' , Text A kung oo at B kung hindi sa 23456... Kabayan, Text na!"

At nagsimula ang pag-uulat sa telebisyon ng kabilang area ng Broadcasting Company. Sa katabing opisina naman nito ang mga Journalist na naka- ID na abala sa mga reasearch at mga paperwork na in-assign sa kanila. Ang iba ay tumatanggap ng phone calls mula sa mga tao na nakakasagap agad ng mga nag-iinit na balita kasama na ang mga concerns sa e-mail, social networks at international news sites. May tatlong dalaga ang magbubukas ng pintuan at maglalakad patungo sa kanilang mga cubicle.

"The worst in our cases today!", wika ni Rubie, "Kawawa naman ang mga sanggol, hindi naman nila kailangang maranasan ito kung walang halong nakalalasong kemikal ang mga panggatas nila 'di ba?"

"Kaya nga breast feeding is still best for babies pa rin eh!", ika ni Rhyna na may mga hawak na papel, "Naku, kung may baby lang ako... hindi ko talaga pababayaan! ipauubos ko lahat ng laman nitong akin!", at hahawak sa kanyang boobs

"Whatever Sis! Malaking bahagi rin kasi ang patuloy na pagtaas ng maraming bilihin ngayon sa bansa na mas hindi carry ng ating madlang people ngayon kasi hindi rin naman tumataas ang sweldo at lalo pang tumitindi ang kahirapan!", wika ni Rubie na nakatingin sa walang imik na si Janice

Hihinto ang tatlong babae sa cubicle ni Janice. Uupo si Janice sa kanyang chair at mag-aayos ng mga nakakalat na bagay sa lamesa niya.

"Naku! kung hindi lang ako Anti-RH Bill noon, isinuko ko na kay Cesar ang bataan at may anak na rin sana ako ngayon!", patuloy ni Rubie na tumayo sa likod ni Janice at tinapik ito, "Ikaw, Sis? kailan mo gusto magka-anak?"

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now