CHAPTER 37

318 0 0
                                    

Malakas na tilaok ng manok.

Ito ang gumising sa sobrang napagod at nawindang na journalist mula sa kanyang sunud-sunod na pananaliksik para sa "Summary Report". May ilang mga litrato at case studies ang idinagdag ni Janice sa naunang draft upang mas maunawaan ang pagkakatagni-tagni ng mga impormasyon at diskusyon.

Sa loob ng kanyang makalat na mini-library siya nakapagpalipas ng buong hatinggabi at nakatulog na rin sa tapat ng kanyang monitor. Sa muling pagtilaok ng manok... babangon siya at tatayo mula sa pagkakayuko sa silya at aayusin ang sarili.

Nakasandong see-through ang dalaga at maiksi ang suot na shorts. Dambuhalang butas ang ginawang paghikab ni Janice sa tapat ng kanilang bintana. Nang lumapit upang dumungaw ay makikita niya ang nagliliparang mga ibong balinsasayaw na naglalambitin sa mga kawad ng kuryente.

Ang isang sorbetero sa ibaba ay nagbebenta sa mga sabik at naglalaway na bata habang sila ay wala pang pasok sa eskuwela. May dalawang pusa rin siyang nakitang nag-iingay na naghaharutan sa ibabaw ng bubong ng kapitbahay na agad namang sinuway ng amo sa pamamagitan ng paghagis ng isang tabong tubig. Maliwanag ang buong paligid dahil sa sikat ng araw at ito rin ang tamang panahon upang magsimula ng kuwentuhan... ng chibugan... at ng pagtama sa numero upang sumigaw ng... BINGO!!!

"Magandang Umaga po Lola!", bati ng kabababa lamang sa hagdan na si Janice sa lola na nag-aalmusal sa lamesa

"Magandang Umaga Anak!", banggit ng lola sa apo at hahalikan ito pagkalapit sa kanya

"Si Leo po???", usisa ni Janice na kukuha ng plato at titignan ang laman ng kaldero

"Ayun! Maagang umalis! Sasamahan niya raw si Virgo mamasyal sa bagong bukas na mall sa may Guadalupe pagkatapos nila magsimba", banggit ng lola na humihigop ng kape sa kanyang tasa

"Ah... May mall na pala roon!", sambit ni Janice na kumuha ng isang tasty bread mula sa mesa at kakanin, "May bago nga ring itatayo sa may Sitio Bartolome! Naibalita na po ba sa tv... Lola?"

"Ah... siguro anak! Natulugan ko kasi kagabi yung balita kaya drama na ang pinanuod ko pagkagising ko!", banggit ng lola na pupunasan na ng towel ang bibig

"Okay...", sambit ni Janice na uupo sa tapat ng lolang malapit sa sala at magtitimpla ng kanyang kape. Pagtayo ng lola upang magpahinga ay masisilayan ni Janice ang suot nito, "Lola..."

"B... Bakit Nak?"

"Sinuot niyo pa rin pala 'yang paboritong bestida niyo ah! Sigurado kayong ayaw niyong bumili ng bago?"

"Anak... espesyal ang bestidang ito na pinabendisyunan ko pa kay Cardinal Tagle noong piyesta na nagpamisa siya sa kapilya ng barangay! Tuwang-tuwa nga ako noon at feeling ko naging isa akong anghel... At simula noon, hindi ko na rin siya nilabhan!"

Magugulat si Janice at masusuka habang may lamang tubig ang bibig. Magtatanong sa kanya ang matanda, "Bakit anak? Pangit ba ang lasa ng tinapay na binili ni Leo?"

"Hi... Hindi po 'La! Na...", magkukunwaring pagwika si Janice, "Nasamid lang po!"

"Ah... sige! at Magdidilig muna ako ng mga halaman sa labas! Ubusin mo na rin yung peanut butter diyan sa gilid, kaunti na lang kasi yun eh!", banggit ng lola at aalis

"Salamat po Lola!", sambit ni Janice na magpapatuloy sa pagkain


Humuhuni na parang ibon ang mga tinig ng matanda habang nagdidilig sa kanyang mga alagang orchids at ilang bulaklak gamit ang malamig na tubig sa maliit na balde. Ang ilang mga paru-paro ay nagsisipagliparan din dahil sa mga umuusbong na bagong bulaklak ng halaman. Nang maubos ang laman ng balde ay sumahod ulit siya ng punung-puno sa may gripo sa labas at ilalapag saglit malapit sa malambot na lupa upang makapag-unat-unat.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now