CHAPTER 17

281 1 0
                                    


Tambak na trabaho. Para masunod ni Janice ang deadline sa kanyang unang draft report ay nagdagdag pa siya ng mga bagong impormasyon sa ilang pahayagan at magasin. Pumunta rin siya ng National Library sa may Kalaw Street upang manaliksik at magtiyagang magpa-xerox ng mga kaugnay na litrato. Inabot na rin ng pagdilim ang dalaga sa isang silid nito kaya't sumabay na lang siya sa mga opisyales na nagbabantay at nagsasara ng library sa kanilang uwian.

Sinimulan ni Janice ang kanyang draft sa PC na nakalagay sa kanyang mini-library katabi lang ng kanyang kuwartong tulugan sa ikalawang palapag. Sadyang masikip ang daanan papunta rito dahil sa mga nakatambak na libro at kalat-kalat na papel sa daraanan. Ang pintuang kahoy nito ay may malaking butas sa ilalim dala ng pagkakabangga ng wheel chair ng matanda noong dumalaw ito sa ikalawang palapag upang magpahinga. Dahil sa siksikan at nakakapagod na pagpanhik mula sa hagdan, nanatili na lamang sa ibaba ang lola at ginamit ang isang bakanteng kuwarto roon upang kanyang maging tulugan. Nakabukas ang bintana ng kuwarto at ang tanging naglalaan ng liwanag doon ay ang maliit na lamp shade dahil ang lumang incandescent bulb sa kisame nito ay kumukurap-kurap na. Sa kalaliman ng gabi ay seryosong seryoso ang dalaga na nagta-type habang nakaharap sa monitor ng kanyang computer. Ilang sandali pa'y umihip ang hangin mula sa bintana na nagpa-tindig balahibo at nanlamig pa lalo sa journalist. Habang sinisimulan ang ikalawang pahina ng kanyang draft, inunat-unat muna nito ang dalawang braso at inikot ang leeg na tanda ng napapagod na mga buto. Hindi niya mapapansin ang dahan-dahang pagpasok ng isa pang tao sa naturang kuwarto. Unti-unti itong lalapit sa nakaupong dalaga at huminga ng malalim bago tapikin. Sa pagdikit ng mga daliri ng tao sa pagod na balikat ni Janice ay mapapasigaw ang abalang dalaga.

AAAAAAH!!!

Lilingunin ang kumalabit sa kanya. "...nak ng putakti! Virgo?! Bakit ka nandito?", wika ng nagulat na si Janice

"Ah... nakabukas na kasi ang pintuan kaya pumasok na po ako, Yayayain ka sana naming maghapunan...", banggit ni Virgo na maaaninag lamang ang mukha nang lumapit sa may monitor

"Oh, ganun ba? Susunod na ako... Tapusin ko lang saglit ito!", wika ng nahimasmasang si Janice

"Sige po!", banggit ni Virgo na dahan-dahang umalis dahil sa mga maapakang nakakalat na papel

"Haaay...", buntung hiningang banggit ni Janice na pinahid ang dalawang palad sa kanina'y nangangatog na mukha

Ang hapag ay binubuo ng apat na upuan. Sa pinakaharap na katapat ng lababo at lutuan ay nakaupo ang lola na sabik nang tikman ang nakahaing Fish Fillet at Tinolang baboy na may mainit na sabaw. Sa kabilang gilid naman ang magkasintahan na naghanda ng lamesa para sa masayang salu-salo. Ang nakasandong si Leo ang naglagay ng mga plato, kutsara, baso, tinidor at ilang prutas na binili nila sa palengke habang ang naka-Chinese look na si Virgo ang naglagay sa mga bowl ng mga ulam kasama ng kanyang nilutong pansit. Nasa kabilang silya naman ang hinihintay nilang si Janice na pagkababa mula sa hagdanan ay matutuwa sa makikita.

"Wow! anong meron? sa pagkakatanda ko ay sa susunod na taon pa ang piyesta ng barangay ah!", sambit ni Janice na tutungo sa nakalaang silya para sa kanya

"Naku Ate! Higit pa sa piyesta ang selebrasyon natin ngayon!", banggit ni Leo sa kabilang upuan. Mapapansing abala sa paglalagay ng juice sa mga baso si Virgo.

"Okay! mukhang interesado akong pakinggan 'yan ah!", sambit ni Janice na nakatingin sa mga pagkain sa mesa

"Nakausap na kasi namin ni Virgo ang mga magulang niya and they are sincerely approving our relationship finally!", banggit ni Leo na nakangiti kay Virgo

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now