Si Lawrence.
Noong ipinanganak ng inang namamasura sa Tondo ay agad iniwan sa loob ng isang simbahan upang palakihin at pag-aralin. 1986 at walang maayos na trabaho noon ang ama. Kung minsan ay ume-ekstra ekstra sa mga pagko-construction upang kumita ng kahit kakaunti para sa pamilya. Pinagkakasiya naman ng ina ang nasa singkuwenta hanggang isandaang pisong kita sa pagpapakilo ng mga kalakal para sa kanyang panganay na babae at asawa na nakatira sa suluk-sulok na squatter's area. Ilang metro mula sa kanilang pamayanan ang lugar ng mga bagsakan ng basura na sa tuwing paglalagakan ay tuwang-tuwa ang maraming bata upang kumalkal ng sirang mga laruan, tira-tirang pagkain, mga napagtiyatiyagaang piraso ng papel o lapis, mga gadget na nakikita lamang sa mga dyaryo at tv, mga gusgusing damit at siyempre ang ilang mga barya o perang papel na natitiyempuhan sa kailaliman ng dump site. Dahil sa kakapusan ng pera ay maagang nabuntis ang panganay na babae na hindi kalaunan ay namatay din ang sanggol dahil sa sakit na 'Leptospirosis'. Labis itong ikinagambala ng ina na humantong pa sa muntikang pagpapatiwakal at paglunod sa maruming ilog. Lumipas ang ilang araw at ang ilaw ng kanilang tahanan ay nalason sa nakaing balinghoy mula sa basura at nang isugod sa ospital ay niresetahan ng napakaraming gamot. Napilitan tuloy ang ama na makapagnakaw sa inhinyero ng pinapasukang construction ngunit nang mahuli ay agad din itong kinulong.
Dose Anyos nang malaman ng batang lalaki ang nangyari sa kanyang pamilya. Ang pari na nagpalaki sa kanya ang nagpaliwanag ng buong istorya na noo'y iwan ng ina sa simbahan ay nakatago sa isang madilim na pader. Bumalik ang bata sa kanilang bahay... Sira-sira. Inaanay ang dingding, nilalanggam ang mga tutong na kanin, masangsang ang mga damit na hindi pa nilalabhan, maraming butas ang bubong, kalawangin ang mga kutsara't tinidor, walang palikuran, at mga picture frame ng kanyang mga kaanak. Ang tanging nagpa-wow sa kanya ay ang 'HIGH DEFINITION' na TV sa sala na nang isaksak niya sa maliit na extension cord at binuksan ay....
BOOOOOGHSZ!
Sumabog na agad naman niyang binuhusan ng manilaw-nilaw na tubig sa malapit na arinola upang hindi lumaki ang apoy. Biglang may dalagitang dumating mula sa pintuan at tinawag ang kapatid...
RODOLFO!
Rodolfo... pangalan na gusto sana ng mag-asawa sa anak habang ipinagbubuntis pa ito ngunit nang hindi kayang palakihin ng maayos ay hinayaan na lamang ang mga nasa seminaryo ang magpangalan sa kanya.
"Rodolfo... ang laki mo na!", sambit ng babae at yayakap sa bata
"A... ate...", nag-aalangang sambit ng bata
"Mabuti at hindi ka pinabayaan nina Father at ibang seminarista. Kumain ka na ba?"
"Tapos na po! Sinabi na rin sa akin ni Father ang lahat... Pasensiya na kung wala akong maibibigay na tulong sa inyo ngayon..."
"Huwag ka nang mag-isip pa ng iba", sambit ng dalagitang pinahid ang noo ng bata at inayos ang malinis na damit nito, "Sapat nang makita ka naming maayos ang kalagayan! Kung tutulong ka man, sa takdang panahon na lamang kapag nakatapos ka na ng pag-aaral"
Uupo ang bata sa gumegewang na bangkuan, "Kumusta kayo rito? Si nanay? si tatay?"
Kukuha ng dalawang basong tubig galing sa jag ang dalagita.
"Patuloy pa rin ako sa pangangalakal para kumita ng pera...", banggit ng dalagita at ibibigay ang isang basong tubig sa kapatid, "Unti-unti ko na rin namang kinalimutan ang pagkamatay ng pamangkin mo habang si nanay ay kalalabas lang sa ospital matapos makakuha ng donasyon sa Simbahan habang si tatay..."
Iiyak ang dalagita.
"Ano pong nangyari kay tatay? Nakakulong pa rin ba siya?", tanong ng bata
YOU ARE READING
If we fall in-luv
Romance"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis