Headline sa maraming telebisyon, internet sites, modules at maging sa mga pahayagan ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nina Janice ang mangyayaring demolisyon sa isang lugar sa Maynila na kasalukuyang pinapalibutan ng mga pulis at hinihintay ang go signal mula sa lokal na pamahalaan.May mga advertising agencies din ang nangontrata sa opisina ng Broadcasting Company upang maglagay ng patalastas sa kanilang pahina sa loob ng ilang linggo. May pakulo rin ang kanilang grupo para sa "Selfie News of the Month" para sa kung sino man ang may ideyang mapagtripan ng kanilang mga baong kamera na kumuha ng maaaksiyong litratong balita kasama sila. Naroroon ang mga galing sa Maintenance Department para mag-check ng mga CCTVs at ilang mga bisita sa Department of Justice.
Siyempre, hindi pa rin mawawala ang mga umaatikabong development sa kaso ng mga batang nalalason dahil sa mga pulbos na gatas.
"Pak na pak na pak na pak na pak! Talaga ang pagtatayo ng bagong mall sa may Sitio Bartolome anu?", sambit ni Rubie sa dalawa pang kaibigan habang hinihintay dumating ang Manager
"Oo nga mga Sis... this is their second time around to accomplish it! Yung nakaraang taon kasi eh nabitin dahil kaunti lang preparasyon nila sa mga agresibong residente dun! Naku po!", wika ni Rhyna habang seryosong nakikinig sa kanilang usapan si Janice sa labas ng kanyang cubicle
"Sana ngayon, perfect na execution nila at huwag silang hayaan ng mga taga-roon na paalisin sa pamamagitan ng dahas di ba?", dagdag ni Rubie
"After the TRO... hindi na pwedeng payagan na naman ang mga squatter ng Sitio Bartolome na manatili pa dun! Sinasayang nila ang lupa... ginagawang lugar ng paanakan, taguan ng droga at kung anu-ano pang elemento ng kasamaan! Grabe ah!", wika ni Rhyna na mapapansing nag-iisip si Janice
"Ta... ma!", biglang sambit ni Janice
"Oh... hindi ba Sis?", tanong ni Rhyna sa kaibigang may hawak na sulat
"Tama! Sa Sitio Bartolome kung saan ko itinuro yung hinahanap na lugar ni Julius bago ako tuluyang na-in love sa kanya...", nakangiting sambit ni Janice
"Ay sus! Nandito na naman tayo sa 'Imaginary Lover' ni Miss Janice Behosano! Huy! Kawawa naman yung tao dun sa Hong Kong kung lagi mo yung binabanggit nuh! Baka madalas na yung matapilok sa daan!", sambit ni Rubie at kukunin ang hawak na maliit na papel ni Janice, "Ano ba yan?"
"Speaking of my One True Love... mga Sis! Ramdam ko na nandito na siya sa Pilipinas!", banggit ni Janice na gumawa ng hugis puso sa dibdib gamit ang mga daliri sa parehong kamay
"Magtigil ka Sis ah... Baka naman sa mga susunod na report at article na gawin mo eh puro Julius ang nakalagay! Tapos hindi ka na laging makiki-jamming sa amin ni Rubie kapag may party kasi si Julius ang iimagine-nin mo! Diyos ko po... nakakaselos na yan ah!", wika ni Rhyna na nagtataray sa kaibigan
"Hindi... nakatanggap kasi ako kahapon ng sulat tapos may kasama pang isang pulang pulang rosas na ipinabigay sa akin! So... Romantic! I know siya lang talaga ang nakakapagbigay ng ganitong feeling sa akin! Yung hashtag inspired and loved...", ani Janice
Babasahin ni Rubie ang sulat at ipapasa kay Rhyna, "Eh anong special dito? Lyrics lang ata ng kanta yan eh! Tsaka wala kang nabanggit sa amin na kantatero ang jowa mo!"
Pabulong na babasahin ni Rhyna ang maiksing sulat:
OH, HER EYES HER EYES
MAKE THE STARS LOOK LIKE THEY'RE NOT SHINING
HER HAIR, HER HAIR
FALLS PERFECTLY WITHOUT HER TRYING
SHE'S SO BEAUTIFUL
AND I TELL HER EVERYDAY..."Hindi ba noong mga nakaraang note sa'yo eh wala namang return address? Paano mo masasabing sa boyfriend mo yan nanggaling?", wika ni Rhyna at ipapasa sa may-ari ang sulat, "I... I guess this is just a game!"
YOU ARE READING
If we fall in-luv
Romance"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis