CHAPTER 47

301 0 0
                                    





Masayang masayang masayang masayang masayang masaya na Janice ang bumungad sa daanan pagkababa ng jeep. Ang lahat ng masusulyapan niya ay pawang nagniningning. 



Ang ilang kapitbahay ay nagulat sa biglaang ikinikilos ng babae... ang taas ng ngiti niya ay umaabot sa tenga at minsan ay tumitingala sa madilim na kaulapan na nag-uutos sa kidlat na tamaan siya upang buhayin lalo ang nangungulilang puso sa kanyang minamahal. Lubos din ang pagpungay ng kaniyang mga mata sa mga estudyanteng dumaraan hanggang pagbulungan siya ng mga magkakasintahang naglalandian sa tabi ng kalye. Sukbit ang bag galing trabaho ay dahan-dahan siyang pumunta sa kanilang bahay na sumasalungat sa direksiyon ng malakas na hangin. Hindi niya alintana ang ilang alikabok at basurang nakatambak sa may kanal dahil ramdam niyang umiibig siya. Alam niyang napakahaba ng buhok niya na mas mahaba pa sa dinaraanan ng MRT.

 Maya-maya ay may kakalabit sa kanya.

"Ate... Ang ganda ganda mo...", banggit ng malambot na batang lalaki na medyo gusgusin

"T... talaga???Maliit na bagay...", mayuming sabi ni Janice na nakatingin sa bata

"Ate... pahingi naman limampiso!"

HAAAAAAA?

"Sige na ate, pangkain lang... hindi pa po kasi ako nagme-meryenda. I am hungered to the highest leveling...", reklamo ng maarteng bata na makulay ang labi

"Wow ha! Awang awa naman ako sa lipstick mong kulay orange...", sabi ni Janice habang dumudukot ng barya

"Ay! Eto po,binigyan po kasi ako ng kendi na 'Yakee' sa tindahan kanina tapos nginuya ko kasama labi... Maganda po ba?"

"Ayos lang...pwede ka nang mag-artista!", sabi ni Janice na magpapatuwa pa lalo sa bata. Makakakita siya ng sampung pisong barya sa wallet at iaabot sa nagugutom, "Oh! Bahala ka na diyan! Ibili mo ng pagkain ah..."

"Wow! Salamat Ate Ganda! Sana makita mo na ang prince charming mo... Muwahugs!",banggit ng paslit at kakaripas ng takbo

Susundan ito ng tingin ng journalist at mapapabuntung-hininga, "Haaay... sana nga magpakita na siya..."



Kukulog ng malakas nang buksan ni Janice ang kanilang gate at oobserbahan ang paligid kung may darating pang ibang sulat para sa kanya. Walang anu-ano'ydumiretso na siya sa loob at tatambad ang pinagpapawisang pinsan sa kusina.

"Oh! Leo... Nasaan ang lola?", usisa ni Janice mula sa sala

"Ayun! Sasabihin ko na nga sa iyo, kailangan ko na ngang puntahan sa Center sa barangay kasi nagpa-libreng bakuna kanina lang pagdating ko galing sa iskul. Eh mahaba-haba pa naman ang pila kaya sabi ko maghahanda muna ako ng makakain natin para pagdating niya rito ay mabusog siya mula sa pagod na paghihintay...", sambit ng binata habang hinahango ang bagong deep fried na isda at ilalagay sa plato sa lamesa. Papatayin nito ang stove na ginamit

"Oh Sige na at baka abutan pa ng ulan yun doon!", sabi ni Janice

"Okay... Ate, paki-check na lang yung sinaing... baka kumulo eh!"

"Sige na! At ako na ang bahala..."

"Yun oh!", pagmamadali ni Leo na aalis sa kusina, magpupunas ng pawis at magpapalit ng sandals upang sunduin sa labas ang matanda, "Alis na ako..."



Habang nakaupo sa couch ng sala malapit sa kusina ay mag-iinat-inat si Janice at i-oon ang electric fan upang mahimasmasan. Ilalapag nito ang bag sa lamesang malapit at bubuksan. Makikita niya ang mga papel... mga sulat... ang pinagsama-samang clue na nagtuturo sa kanya sa iniirog na lalaki. Ngingiti siya at matutulala... Nag-flashback sa kanyang dalawang utak ang mga maliligayang sandali nila ng lalaking iyon. Nagkukuwentuhan... Nagkakamabutihan... Hinahatid sa kanilang bahay...at ang halikan na patuloy na sumasariwa sa kanyang mga labi at ilong. Naroroon din ang malambot na pagdampi ng palad ng lalaki sa kanyang kamay at binti... mga kulitan... mga hagikgikan... mga tinginan. Siyempre, hindi rin talaga malilimutan ng dalaga ang mabangong pangangatawan ng lalaking iyon... (sa pagpikit ni Janice ay makakaamoy siya ng parang tostado) ... mabango na kumakalat sa loob ng magarang sasakyan at kahit umutot ng mabaho ay okay lang! Sa pagdilat ng mga mata ni Janice ay makakakita siya ng isang anino ng lalaki na natatakpan ng maliwanag na fluorescent. Ang ulo na hugis pang-mayaman at buhok na taas-taas dahil sa clay-do. Lalapit pa ng husto ang lalaki sa kanya na lalo pang magpapangiti sa dalaga at nang hawakan ng dalawang kamay ng lalaki ang mukha ng nakatitig sa kanya ay magugulat si Janice.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now