RING! RING! RING!
Malakas ang volume ng ringtone ng cellphone ni Janice na nakalapag sa lamesa sa labas ng kanilang bakuran. Kasama ni Janice ang dalawa pang mga kaibigan na nakaupo sa paligid niya. Balisa si Janice at halatang may nararamdamang kirot sa puso. Nakatulala ito sa mga orchids na bagong dilig ng kanyang lola. Ang isa niyang kaibigan ay madiing hinahawakan ng hinlalaki ang pulso ng nakaupong si Janice sa kamay upang i-check kung okay pa. Ang isa naman ay abala sa pagtatanggal ng sobrang kuko sa kanyang mga paa gamit ang dalang nail cutter. Mataas na ang araw ngunit malilim sa kanilang bakuran sa tapat ng gate dahil sa isang malaking puno ng buko sa katabing bahay lamang nila. Sandamakmak na rin ang split ends ng dalaga at dahil hindi nakatulog ng maayos sa nakaraang beynte kuwatro oras, kitang kita ang itim na eyebag sa kanyang pagmumukha. Namumuo na rin ang ilang mga tighiyawat at uneven skin tone ng kanyang katawan. Walang duda... nanumbalik ang dating pangit na si Janice.
Weekend. Day-off. Pagkatapos magwalis sa bakuran, inihanda ni Leo ang mga baso at isang pitsel ng malamig na Orange Juice para sa mga bisita sa labas. Pagkalapag sa lamesa ay tutunog na naman ng napakalakas ang cellphone na gagambala sa kanilang kapitbahay.
"Tao Po!", pagkatok ng isang matabang babae at bubuksan ni Rhyna ang gate
"Bakit ho?!", tanong ni Rhyna sabay hinto sa pagtunog ang cellphone ni Janice
"Kanina pa ako naririndi sa cellphone na yan ah! Baka pwede pakihinaan naman! Nakakabulahaw sa bingguhan namin dito oh!", galit na sambit ng matabang kapitbahay
"Pa... Pasensiya na po! May pinagdadaanan lang...", banggit ni Rhyna
"Wala! akong pakialam ha! Kung may problema kayo... basta huwag kayong mandamay ng iba!!!", malakas na sambit ng mataba na ikalilingon ni Janice mula sa kanyang kinauupuan at kukunin bigla ang cellphone sa lamesa. Ihahagis niya ito sa gate na malapit sa kinatatayuan ng matabang kapitbahay hanggang sa masira.
"Oh! Ayan! Lumayas ka na!", nanginginig na hiyaw ni Janice sa mataba na dahan-dahang aalis at isasara na rin ni Rhyna ang gate.
"Sis... kalma lang!", wika ni Rubie na hinihimas ang likod ng kaibigan at inilapag sa lamesa ang kaninang gamit na nailcutter, "Kung bakit kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag ni Julius..."
"Wa... la nang Julius sa buhay ko! Wa... la nang Julius sa isip ko! Wa... la nang Julius sa puso ko!", paiyak na sagot ni Janice
"Sis naman eh! Umalis lang yung tao tapos buburahin mo na agad sa puso't isipan mo?", banggit ng kauupong si Rhyna, "Malay mo... pagkabalik niya rito, mapagdesisyunan niya naman na dito na talaga siya maninirahan para sa'yo!"
"Yun ay kung mahal ka talaga ng Julius na yun! Eh paano kung kalimutan na rin siya, paano kung mag-asawa na yun dun at pano kung gawin na lamang Ninang si Janice sa anak nun, Naku! sobrang sakit ng ganun Sis!", wika ni Rubie na lalong magpapaluha kay Janice
"Eto si Rubie... super nega!", banggit ni Rhyna
"Alam niyo... kung talagang mahal niya ako, dapat iniintindi niya ako! Minamahal niya kung anong minamahal ko! Ganun din naman ako sa kanya eh! Masaya ako na kasama niya ang pamilya niya roon! ang negosyo niya! ang mga pangarap niya! Pero... yung ilalayo niya ako basta-basta rito... hindi ko kaya! Para na rin niyang sinabi sa akin na wala akong karapatang lumigaya sa pagiging journalist ko", tugon ni Janice
YOU ARE READING
If we fall in-luv
Romance"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis