The Last Note.
YOU CHOSE TO BE THERE
BUT I NEED TO BE HERE
LET ME THANK FOR MEMORIES THOUGH
THE FEELINGS WERE STILL TRUE
SORRY... I SHOULD HAVE FORGET YOU
- JULIUS YAP
Wala sa konsentrasyon... Wala sa tamang pag-iisip... Walang Janice Behosano... Wala... Wala... Wala... Ang tanging naroroon ay ang hindi makakain at makatulog na babae dahil sa sobrang sakit ng pagiging heartbroken. Mabigat ang nararamdaman at gusto na ring mamatay dahil minsan niya lang naranasan ang espesyal na pagtingin na ito sa isang lalaking minsan niya lamang ding nakilala. Alam ng mga kaibigan ni Janice na laging isip ang ginagamit nito sa araw-araw na pagtatrabaho pero pagdating sa pag-ibig ay ngayon lamang ito gumamit ng kanyang puso. Nang hinayaan niyang umalis ang kasintahan ay inaakala niyang magbabalik ito para sa kanya... magsisimula sa umpisa at manunuyo muli sa kanya ngunit nang matanggap ang isang package na naglalaman ng isang note at isang Stuffed Toy na may hawak na puso at nakatahi ang salitang 'Goodbye', gumuho ang kanyang mundo. Gumuho na parang eksena sa pelikulang '2012'... may malalaking biyak sa lupa, may pagsabog ng bulkan, may malakas na bagyo at ipu-ipo, may mataas na daluyong, may tsunami! Mabuti na lamang at may walang sawang suporta ito mula sa mga kaibigan na nagpapalakas kahit kakaunti sa tinuring na 'National Journalist of the Year'.
"Sis... Tahan na... Lalaki lang yan!", sambit ni Rubie habang niyayakap ang kaibigan
"Tsaka Sis... hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo... tama lang na mas pinili mo ang trabaho mo rito kaysa sa kanya! Napaka-samang lalaki naman pala yun! Matapos mong ibigay ang buo mong pagkatao halos pati nga virginity mo ay isusuko mo na... Kalimutan mo na lang siya Sis...", wika ni Rhyna na nakatingin sa dalawang nagda-drama na kasama sa cubicle ni Janice
"Oo nga Sis, tsaka mas maraming tao ang nagmamahal sa'yo! Ako! Si Rhyna matanda...", sambit ni Rubie
"Hoy! Rubie Rose!", banat ni Rhyna
"I... I mean! Mas kailangan namin yung Janice na masaya... yung ngumingiti... yung hashtag inspired and wild! Yung Janice na matapang...", sambit ni Rubie na hinihimas ang ulo ng kaibigang lumuluha
"Kaya ko naman Sis ang lahat... alam niyo naman yun sa iba pang mga nanligaw sa akin eh pero ang masakit kasi yung iiwanan kang hindi ka man lang pinakinggan kahit kaunti!", wika ni Janice na nakaupo sa kanyang silya, "Yung tiwala niya na kahit sana malayo kami sa isa't isa ay kami pa rin ang magsasama... ganun naman ang pag-ibig 'di ba?"
"Oo nga Sis... pero hindi ganun si Julius! At hindi mo mapipilit yun sa tao lalo pa't may karangyaan siya at kapusukan dulot ng kanyang itsura...", banat muli ni Rhyna
"At Sis... mas matataas ang ego ng mga lalaki! Ayaw nila na lagi sila ang lumalabas na mali... na walang alam! At! Ayaw!!! Ayaw niya lang talagang magpakumbaba... para! sa'yo!", galit na sambit ni Rubie. Agad itong hahawakan ni Rhyna.
"Sis... Affected Much???", sabi ni Rhyna
"Hindi Sis... Masyado lang akong apektado sa nararamdaman ng kapatid natin!", sambit ni Rubie kay Rhyna
"Hala! Parehas lang yun teh!", sabi ni Rhyna
Patuloy ang pag-iyak ni Janice at sisinga ng sipon sa kinuhang tisyu sa desk at magsasalita, "Kaya nga noong umpisa pa lang... natatakot na akong magmahal! Natatakot din kasi akong mabigo! at iwan! Ayoko nang umibig pang muli para 'di na ako masaktan!"
YOU ARE READING
If we fall in-luv
Romance"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis