CHAPTER 50

517 0 0
                                    

Kabanata ng Mabigat na Loob (Chapter of Depression).

Higit pa sa nabagsakan ng hollow blocks sa bunbunan... higit pa sa nasunog na mukha dahil sa paggamit ng halu-halong astringent... higit pa sa pagkatusok sa karayom habang nagtatahi ng sirang karsonsilyo... higit pa sa pagkabunot ng ngipin na mali naman kaya kailangan muling itanim at lagyan ng anesthesia upang tanggalin ang tunay na bulok na bagang...higit pa sa pagkakaroon ng matitinding gasgas pagkatapos mabangga ng tricycle ang sinasakyang motorsiklo... maging ang sobra-sobrang pagpisil habang nanunuod ng porn...  A... Ano daw?!?

Wala nang iba pang sasakit pa sa pagkabunyag ng katotohanang... NILOKO KA! NILOKO KA LANG NIYA! Ito ang mga paulit-ulit na sumasagi sa isipan ni Janice ngayon. Masakit... sobrang sakit... walang kasing sakit.

Matagal na nagkulong sa kanyang kuwarto si Janice pagkatapos ng interview nila ni Rubie sa taga-squatter. Lahat ng luha ay ibinuhos niya. Kulang na lang ay pumunta siya sa tapat ng La Mesa Dam para punuin ng tubig ang natutuyot na reservoir. Sinara niya ang bintana upang walang makakita sa kanyang pag-iyak. Maging ang lola at pinsan ay alalang-alala sa nangyayari sa kanilang kapuso. Paulit-ulit na sinusuntok ni Janice ang kanyang unan... umiiyak. Ang ilang mga awards at medals na nakuha sa kanyang pagiging journalist ay kanya ring pinaghahagis... umiiyak. Ang mga librong kanyang binabasa noong nag-aaral pa ay pinagtatadyakan at nilapirot pa... umiiyak. Pati ang mga sulat at sobreng natanggap na personal na ibinigay ni Lawrence sa kanya ay pinagpupunit isa-isa... umiiyak. Ang mga inipong bulaklak na rosas na ibinigay rin sa kanya ay kanyang sinira at ang vase na babasagin ay hinagis sa kanyang ilawan sa kisame... umiiyak.

"Anak... Tama na!!!", umiiyak na banggit ng lola sa labas ng pintuang nakasara

"Ate Jans! Buksan mo ito... kausapin mo kami ni Lola!", malungkot na sambit ni Leo na inaalalayan ang kinakabahang matanda

Walang ibang naririnig ang dalawa mula sa labas ng kuwarto kundi mga ungol at hagulgol mula sa babae. Mahirap ipaliwanag. Mahirap na malaman na ang inasahan mong pag-ibig ay wala pala... at hindi na posibleng mangyari.

 Madilim ang buong kuwarto ni Janice kung saan mas maiging wala siyang makita at hindi niya makikita ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya sa larong inihandog sa kanya ni Lawrence. Sa patuloy na pagluha ng journalist ay nagbabalik tanaw sa kanya ang mga pangyayari sa kanyang buhay-pag-ibig:

Grade3... Grade 6... High School... College... First Boyfriend na sumama sa kapwa lalaki... si Rhino... si Julius... at ngayon ang panloloko ng LVC Delivery Boy...

Iniisip tuloy ngayon ni Janice na malas siya sa pag-ibig. Malas ang isang kagaya niyang ulila sa ama at ina. Malas ang kagaya niyang broadcast journalist. Wala nang ibang pwedeng maging titulo ng kanyang buhay kung isusulat niya para kay Ma'am Charo kundi... 'Malas'. Gusto na niya tuloy ngayon ang tapusin ang kanyang buhay para hindi na siya makaranas pa ng mas marami pang kamalasan.

"Huwag Anak!!!Huwag mo namang gawin ito parang awa mo naaaah...", umiiyak nabanggit ng lola sa labas ng pintuang nakasara, "Nandito kami ni Leo na mas minamahal ka! na hindi ka sasaktan... na hindi ka kayang mawalaaaaaah..."

"Lola... ang puso po ninyo...", sambit ni Leo habang karga ang lola at pinapaypayan

Mamaya ay hihinto ang ingay sa loob ng kuwarto at makakarinig ng tinig ng babae, "Lola...Leo... Maaari niyo bang iwan muna ako rito... Nakikiusap ako... Gusto ko lang mapag-isa... Yung walang nanggugulo sa moment ko...please..."

Biglang magiging kalmado ang dalawa sa labas at mag-uusap. "Ayun naman pala eh! Ang dami pa nating drama rito Leo tara na nga sa baba at gusto ko na ring matulog", ani lola

"Sige! Ate! Text text na lang ah! Ingat ka diyan... Love you!", masayang banggit ni Leo na sasamahang bumaba ng hagdan ang matanda

"Anak!!! Good Night and Sweet Dreams! JAPAN!", sambit ng matanda at kakausapin ang binata, "Haay naku! Ang ate mo talaga kahit kailan OA!"



If we fall in-luvWhere stories live. Discover now