CHAPTER 15

418 2 0
                                    

Maulang umaga ang sumalubong sa buong staffs ng Broadcasting Company. Ang maraming kalsada sa paligid nito ay binaha dahil sa hindi pa rin tapos na pag-aayos ng mga baradong estero at iba pang road widening projects ng MMDA. Ang nasagap na dami ng ulan mula sa satellite ng PAG-ASA ay nasa normal lamang kaya hindi muna nagsuspinde ng klase sa buong rehiyon. Marami ang nakapayong at nakakapote na naglalakad sa mga pasilyo. Isama na riyan ang mga nakabota upang makaiwas sa dumi ng tubig at sa sakit na Leptospirosis.

Basa ang buhok ni Janice nang pumasok. Inabot kasi siya ng pagbuhos ng ulan ilang kilometro bago siya makababa ng jeep. Sa lakas ng ihip ng hangin ay halos masira ang kanyang ginamit na folding umbrella na isinara bago pumasok ng gusali. Habang naglalakad papuntang elevator, biglang magriring ang kanyang cellphone sa bag at ito'y kukunin.

"Hello, Janice Behosano here!", banggit niya nang pindutin ang Accept Call

"Hello Sis! Nasaan ka na?", si Rubie sa kabilang linya

"Nandito na ako sa elevator, paakyat na! bakit ba?", banggit ni Janice hawak ang cellphone na pumasok sa bumukas na elevator

"Bilisan mo na! Kinakabahan ako sa mga nangyayari! Grabe talaga Sis!", sambit ni Rubie na nanginginig

Pagdating ni Janice sa kanilang opisina, tatambad sa kanya ang grupo ng SOCO na nag-iimbestiga. Ang loob ng kanilang opisina ay napuno ng takot at pangamba dahil sa isang insidenteng nakikita lamang nila sa tv at mga pelikula. Bago buksan ni Janice ang kanilang glass door ay may maaapakan siyang blue signpen na Made In China. Titingnan niya ito ng dalawang segundo at sa pagpasok ni Janice sa loob ay may masusulyapan siyang nagkukumpulang tao malapit sa unang cubicle. Dahan-dahan siyang pumunta rito at nakiusisa. Hinawi ang ilang tao sa kanyang harapan upang tingnan ang natatakpan at mapapanga-nga.

"A!", winika ni Janice na sisigaw sana ngunit tinakpan agad ang bunganga upang walang makarinig. Gulat na gulat ang reaksiyon ng dalaga. Maya-maya ay pupuntahan siya nina Rhyna at Rubie mula sa likuran niya.

"Sis!", sambit ni Rubie

"Sis! huwag kang matakot... hayaan mo at ginagawa na rin ng company ang lahat para mapanagot ang nagsakatuparan nito", sabi ni Rhyna habang nakayakap kay Janice na nakatitig pa rin sa may sahig

"At Sis... hindi lang ikaw ang nagulat sa bagay na ito. Maski kaming lahat! Pagkapasok namin dito eh ang dami nang pulis na palakad-lakad. Sis... natatakot ako!", sambit ni Rubie na luluha ng kaunti, "Hindi ko alam kung dito na ito matatapos o may susunod pa sa ating masasadlak sa ganitong klaseng krimen"

"A... Anong balita? Anong sabi ng mga pulis?", kinakabahang banggit ni Janice

"Sa unang pag-iimbestiga nila, wala naman daw nakakaalitan o nakakabanggang kaaway si Pamela. Kinausap na rin nila ang pamilya ng kasamahan natin para pumunta rito at malaman ang nangyari sa kanya. Sa pagkakaalam din nila, mga ilang oras na ring naganap ito dahil panggabi ang shift ni Pamela na laging nagpapahuli kapag uwian na", detalye ni Rhyna, "Sis... Nagsalita na rin kami ni Rubie ukol sa pagkakakilala natin kay Pam, kaya natin 'to Sis!".

Magyayakapan ang tatlong magkakaibigan at malulungkot.

Ang former Beauty Queen.

Pagdating sa mga beauty contests, quotang quota na sa pagsali ang 'Broadcasting Assistant for Reviews and Copyrights' na si Pamela. Bukod sa black beauty at kulot na buhok, may katangiang mapapansin talaga sa kanya ang mga manonood dahil sa husay nitong makipagsalamuha sa tao at ang tindig na 6 feet. Lumaki sa Bacolod ang dilag na ito na maliit pa lamang ay sumasali na talaga sa mga pagandahan. Ang ika-dalawampung tropeo na naiuwi niya sa kanilang bahay ay ang 3rd Runner-Up ng Mutya ng Pilipinas kung saan full support ang ginawa nina Rubie, Rhyna at Janice kasama pa si Jaynel na nag-ayos sa nagwaging katrabaho. Madalas sila nitong kasama sa bar hopping kapag suweldo o kapag pare-parehas ng shift. Nagkaroon din ng short-term relationships ang kanilang manager at si Pamela na hindi naman nauwi sa seryosohan dahil sa hectic schedule ng trabaho at iba pang proyekto. Siya ang tumatanggap ng mga artikulong mapangahas na kanya namang sasalain at ipapasa sa printing department. Kakatapos lang din ng unang monthsary ng nasabing babae at kasintahan nitong isang modelong latino na nakabase sa Brazil.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now