Hindi kalakasan ang ulan nang biglang bumuhos sa umaga.Palibhasa'y hapon pa ang pasok sa eskuwela, nagpatuloy sa pagtulog sa kaniyang kuwarto si Leo na trunks lamang ang saplot at nakatago sa kumot ang mga tuhod. Hindi na ito inabala ng bagong ligo na si Janice na yayayain sanang mag-almusal sa ibaba ang pinsan bagkos ay sinamahan na lamang ang lola sa pagkain.
Nagbihis na rin ng pang-trabaho si Janice bitbit ang bag bago bumaba ng hagdan. Tatlong pirasong saging na lamang din ang natira sa isinabit na kumpol na malapit sa pinag-iinitan nila ng tubig na takure. Habang hinahagod ng suklay ang basang buhok, umupo na siya at maaamoy ang iniinom ng lola.
"Lola... anong amoy yan?", usisa ni Janice habang humihigop ng cereal drink at inilapag ang bag sa isa pang upuan
"Ah... eto! tinikman ko yung bagong biling tsaa nina Leo at Virgo dun sa mall na pinuntahan nila... masarap iha! Subukan mo...", wika ng matanda na iinom muli habang inaamoy ang aroma ng tsaa
"Ha ha! maganda nga yan sa kalusugan niyo lola... and besides, lalo pa ngang magpapabata yan sa'yo eh! Nasaan ba yan?", banggit ng apo at maghahanap sa lababo
"Ayun! kasama ng ibang mga asukal sa tokador... Sa totoo lang, nakakarelaks nga siya!" "Oh... hayaan niyo lola at matikman nga yan sa ibang araw...", tatapusin ni Janice ang cereal drink at titingin sa kanyang relos. Saglit na hihinto ang ulan at biglang may kakatok sa kanilang gate.
GOOD MORNING! MISS JANICE BEHOSANO...Pagkarinig ng mga katagang ito ay mabilis na kukunin ni Janice ang bag at hahalik sa lola, "Lola... Ako na po!"
"Teka... parang nag-iba ang ihip ng hangin? Sabik na siya agad sa mga sulat na natatanggap?! Hmmmm...", pagtataka ng lola habang nakatitig sa apong papalapit na sa gate
"Yes?", tanong ni Janice sa lalaki pagkabukas ng gate
"Ah... Ma'am, sulat po!", sambit ni Lawrence sabay bigay ng sobre
"Wow!!!", bulalas ni Janice pagkahawak sa sulat at mabilis na magpapasalamat. Isasara ang gate at susubukang lumayas, "Thanks!"
"Ah... ma'am! saglit lang po!", pagpigil ni Lawrence at ibibigay ang isang rosas na may nakabalot na plastic mula sa bulsa ng kanyang likurang pantalon. Agad naman itong kukunin at aamuyin ng dalaga
"Wow... pakisabi sa nagbigay, Salamat ah!", nakangiting banggit ni Janice na titingin muli sa suot na relos at tatakbo sa sakayan ng jeep
Nakatulala si Lawrence sa kanya at mahinang sasabihin ang... "Walang anuman, ma...hal!", sa pagsakay ng jeep ni Janice ay magpapatuloy ang pagbagsak ng ulan. Nang mapansin ito ni Lawrence ay agad siyang sisilong sa malapit na tindahan at magriring ang cellphone sa isa pa niyang bulsa.
"Hello?", sambit ni Lawrence sa pagtanggap ng tawag
Voiceover: (lalake) "Hello Tol! Pumunta ka na agad sa branch natin ngayon, marami tayong kailangang i-deliver na package! Na... nasaan ka na ba?""Pa... papunta na ako diyan! May dinaanan lang ako!", sambit ni Lawrence na nakatingin sa ulap at naghahanap ng pangtapis sa ulunan
Voiceover: (lalake) "Sige! at Mag-ingat ka na rin sa ulan! Bye...", at baba ng phone.
Sa pagbaba ng pasahero sa isang building malapit sa EDSA, mapupunta sa dulong upuan si Janice katabi ng mga sumasabit lamang at mapag-iisipang buksan ang sulat na ibinigay sa kanya sa gate. Unti niyang inangat ang pirasong papel mula sa sobre at binasa:
YOU HAD MY HEART
AND WE'LL NEVER BE WORLD PART
MAYBE IN MAGAZINES BUT
YOU'LL STILL BE MY STAR
BABY CAUSE IN THE DARK
YOU CAN SEE SHINY CARS
AND THAT'S WHEN YOU NEED ME THERE
WITH YOU I'LL ALWAYS SHARE
YOU ARE READING
If we fall in-luv
Romance"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis