"I'm here love,"Hinalikan ko ang noo ni kate habang karga karga ko siya, nag palit si ethan ng damit kanina pa kasi sumusuka si kate hindi niya maiwan si kate sa kama para makapag palit dahil iiyak ito pag nilapag.
Pinainom na namin si kate ng gamot at tumahan na din siya, natutulog na siya ngayon at hawak ng maliit niyang kamay ang isang daliri ko, habang hinihele ko siya napansin kong tuyo ang labi niya dehydration ang sabi ng doctor na pumunta dito, at yun din ang nakikita ko, sumusuka siya ng sumusuka at umiiyak ng walang luha, tuyo rin ang labi.
"I'm sorry," I heard ethan's voice.
"Sorry for?" Napalingon ako sa kaniya.
"Look at kate she's sick because of me, hindi ko napansin na puro gatas nalang ang pinapainom ko sa kaniya,"
Yun kasi ang nangyari, simula kaninang umaga nung iniwan ni ate si kate sa kanila pag-nagugutom ito pinapainom agad niya ng gatas e mali kasi yun e.
Humakbang ako papalapit sa kaniya saka ako umupo sa kama katabi niya.
"Walang may gusto noon, pero hindi sa lahat ng oras gatas ang ipapainom mo sa kaniya, lagi mo siyang papainomin ng tubig dahil nauuhaw din siya. Ganito, kapag ang baby umiiyak tatlo lang yun, una nagugutom, pangalawa puno na ang diaper, pangatlo may masakit sa kaniya,"
Pagpapaliwanag ko sa kaniya, natawa naman ako ng makita siyang nakikinig ng mabuti sa akin akala mo naman talaga may aalagaang bata.
"Tapos, lagi mong siyang padidighayin bago mo siya ihiga or patulugin, ang pag papadighay sa bata ay ganito." nginuso ko sa kaniya yung unan.
Pinatayo ko siya sa harapan ko at tinuro kung pano niya dapat hawakan ang bata gamit ang unan, kung ilang minuto pagkatapos dumighay at kung paano niya tatapik tapikin ang likod.
Ngumiti siya sa akin at saka lumapit umupo ulit sa tabi ko, "May problema lang tayo," sabi ko sa kaniya at tumingin naman siya.
"Si ate wren, kailangan niyang malaman ang nangyari sa baby niya, pero alam ko namang mag-aalala iyon kaya nag dadalawang isip din ako," sabi ko sa kaniya, kanina ko pa pinag papractisan kung paano ko sasabihin.
"Oo nga, yun ang dahilan kung bakit mas tinawagan kita kase si wren," bumuntong hininga siya.
Napatayo ako at nagulat ng biglang sumuka si kate pinatayo ko kaagad siya ng karga at hinayaang sumuka sa balikat ko, pagkatapos niyang sumuka ay ayun na naman ang pag palahaw niya ng iyak.
Agad kong pinunasan ang labi niya at hinele-hele parang tumahan, pero wala, hala baby ano bang masakit? Saang ba parte anak?
Bumalik si ethan sa kwarto dala ang mga gamot, kinuha niya si kate sa akin habang ako nag tali para hindi magulo ang buhok ko, agad kong hinanap ang gamot na sinabi ng doctor na ipapainom kay kate, gamit ang dropper kumuha ako ng amount na dapat lang sa gamot at agad na lumapit kila ethan, naka paharap sa akin si kate ganoon niyang pwesto kinarga, umiiyak parin.
Nilagay ko ang dulo ng dropper sa gilid ng bunganga niya at doon iyon pinisil para mainom niya ang gamot.
Pinainom ko ulit siya ng tubig gamit ang bottle niya hinele siya ni ethan at tumahan naman na, habang ako ay hindi ko alam kung paano bibihisan si kate, kakatulog lang, pero hindi naman pwedeng suotin niya lang iyang damit na iyan may suka niya iyan e, baka matuyo na sa katawan niya.

YOU ARE READING
Unexpected Flight (Monteverde Series #1)
Подростковая литератураGrowing up without a mom made Marigold thinks a little different from others. Worse luck it seems like life is messing with her but upon being a mess she met a guy that change her perspective in so many aspect in life. 8aurelia || 7 - 23 - 21 Monte...