14

31 1 0
                                    



"Ayoko,"


Gusto ko... gustong gusto ko, kung alam mo lang, kung alam mo lang kung gaano ko ka gustong makasama ka.


Natahimik siya at bumuntong hinnga siya at saka mina-niobra ang sasakyan, tahimik lang kasi habang nasa daan, hindi na rin niya ako sinubukang kausapin.


Nagpanggap akong tulog pero totoong nakatulog ako, nandito na pala kami sa tapat ng condo ko, tumingin muna ako sa kaniya, hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Just go,"


Nag baba ako ng tingin at saka kinuha ang bag ko at lumabas, huminto ako sa pag lalakad naka talikod parin sa sasakyan niya, bumagsak ang balikat ko ng marining ko ang pag harurot ng sasakyan niya paalis.


Nangilid ang luha ko na pumasok sa condo, habang nasa elevator ako nag babagsakan na ang luha ko.


Masama bang gusto ko makasama niya ang tatay niya? Pangarap niya iyon mula noon pa man nakilala niya lang ako handa na siyang kalimutan 'yon? Kung alam niya lang kung gaano ko siya kagusto ipagdamot sa lahat ng tao, kung pwede ko siyang angkinin noon pa man ginawa ko na yon, kaso hindi e.


Ayoko na maguluhan siya sa akin at sa tatay niya kung kami naman para sa isa't-isa mag kikita parin kami kahit anong mangyari diba? Kung kami, kami talaga. Hindi namin kailangan ipag pilitan.


Hanggang sa makaligo at maka higa sa kama ko ay iniisip ko padin iyon.


Lumipas na ang isang buwan na at hindi ko parin siya nakakausap, wala akong ibang ginagawa kundi mag bar pagkatapos ng school, club lang at aral uwi sa condo tulog and repeat.


Kamalas-malasang kagabi nakipag race ako at iniwasan ko ang aso kaya bumangga ako sa puno na naman, putangina ano bang meron sa puno at doon lang ang punta ko.


Syempre nagkasugat ako pero wala akong balak mag padala sa ospital. Habang ginagamot ako nila dakota kagabi ay umiiyak ako, hindi dahil sa sobra akong lasing kundi dahil namimiss ko na si ethan, siya ang unang taong gumawa sa akin noon kaya naiiyak pa ako ng maisip.


Pinaalis ko na sila dakota kaya ako nalang mag-isa at tahimik lang akong naka higa sa kama ko walang ginagawa lumuluha ng tahimik, hindi pa ako umuuwi sa bahay dahil alam kong alam na nila, pangalawa ko ng aksidente ito at simula noong una kong bangga hindi pa ako umuwi kaya alam kong galit na sila, sanay naman na ako, pero ewan ko ayaw ko sila marinig ni makita ayaw ko din.


Napatigil ako sa pag iisip ng marinig ang cellphone ko.

[Umuwi ka, celestine,] bungad ng daddy ko sa akin pag kasagot ko ng tawag niya.


"Why na naman po ba?! Papagalitan niyo lang po naman ako, nagpapahinga na po ako, kakauwi ko lang din," inis kong binaba ang tawag saka nag bihis ulit.


Kinuha ko ang bag ko at cellphone, wala akong kotse kingina ka talaga dakota! kinuha kasi ni dakota para ipaayos. Pero hindi parin nababalik yung isa kong kotse! Nilock ko ang condo unit saka nag lakad papuntang elevator at bumaba, nagintay ako sa labas ng bi-nook ko na grab.


Alas-otso na ng makarating ako sa bahay, pinagbuksan agad ako ng guard namin ng gate, pumasok ako sa loob ng bahay at naupo sa couch sa sala. Iniintay ko lang silang dalawa ni daddy at grandma.


Napalingon ako sa hagdan ng makitang halos takbuhin 'yon ni dad, nang makalapit siya sa akin ay agad niyang sinuri ang braso kong naka benda na, kumunot ang noo ko na tumitig sa kaniya, pati ang binti ko ay sinuri rin niya.


Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now