"Kumusta?"Ngumuti ako kay eylin, nasa condo ko siya. Pupunta silang tatlo dito nauna lang siya dahil mas malapit siya kaysa kila niki at dakota. hinubad niya ang coat niya at sinabit sa likod ng pintuan tumabi siya sa akin sa sofa na sa living room kasi ako.
Mag da-dalawang buwan na simula yung nangyari sa amin ni ethan sa kwarto, sa loob ng isang buwan ay okay pa nagkikita kami, hindi man araw-araw pero at least nagkikita kami, minsan kapag hindi siya makakapunta nag papalitan kami ng messages, pero magda-dalawang buwan na, pangalawang linggo na at simula nung nakaraang linggo ay bihira siyang mag message sa akin, minsan ay isang beses sa isang araw, or kung hindi ay tatawagan ako.
Pero nitong pangalawang linggo ay hindi pa siya tumatawag o nag te-text sa akin, nag-aalala ako pero ayaw ko namang maabala siya baka lalo siyang makulitan sa akin, hinahayaan ko nalang dahil baka ginugusto niyang matapos lahat ng gawan bago ako makausap.
"Mahirap pero kinakaya, ikaw kumusta? nakapag usap na kayo?" umupo siya sa tabi ko saka ako hinalikan sa pisngi.
Napabuntong hininga ako at saka lang nagsalita. "Hindi pa, baka sobrang busy lang hayaan mo na para matapos niya ang dapat niyang gawin." sabi ko.
"Intayin mo nalang dahil yan lang magagawa natin," makahulugang sambit niya.
"Ano?" tanong ko sa kaniya. parang kakaiba siya ah.
Umiling siya sa akin at ngumiti. "Wala sige na nood ka na jan, may pagkain akong dala wait prepare ko lang," tumayo siya at sinundan ko siya ng tingin dahil ang weird niya ah.
Bakit ganon parang may alam si eylin lagi, medyo nawiwirduhan na ako sa kaniya ah, noong una yung paalis si ethan ngayon naman para may laman ang sinasabi na connected kay ethan.
"What's uppppppppppp!" matinis na bati ni dakota ng makapasok siya sa pinto ng condo unit ko.
Ngunot agad ang noo ko at tinakpan ang tenga ko sa ingay ni dakota, lintek saan ba 'to nakakakuha ng resistensiya.
Dire-diretso si dakota pumasok at tumumbling pahiga sa couch kung saan ako naka upo, buti nlang naka malaki ang couch, tsk parang daga sa likot buset.
"Jusko, alam mo bang para akong may hawak na bata sa mall na nag si-skip sa tiles sa sakit ng braso ko dahil sa likot ng babaeng iyan, kailangan ko hawakan kasi natatakot ang mga bata, akala nila asong mananakmal, kapagod 'uy." nahiga siya sa sahig na naka carpet saka ako tiningnan dahil sa naiisip.
"Kumusta?" natawa nalang ako, grabe ganon ba ako hindi ako okay para tanungin ng paulit-ulit? halatang hala na ba?
Dumating si eylin sa living room galing sa kitchen, naka kunot noo at akala mo may inaaway.
"Nasa kusina palang ako rinig ko na ang boses mong bata ka! at bakit ka naka tuwad?" our mommy is mad hahaha, sometimes eylin really talk like a mom.
"Masaya ako e," naka ngiti niyang tugon habang umaayos ng upo.
"Nahanap ko na siya, ang dapat ko nalang gawin ngayon ay kumbinsihin siya sa gusto mangyari ng lola ko hehe," bakas ang saya niya sa mukha kaya nagkatinginan kami at nangiti nalang din.
Dakota is 1 year younger than me, 2 years younger than eylin and niki, niki is the oldest among us, followed by eylin, next is me and the last one is dakota, but the smallest is eylin, I mean not that small but she's just a little shorter than us, like really little, baka mapatay ako ni eylin.

YOU ARE READING
Unexpected Flight (Monteverde Series #1)
Novela JuvenilGrowing up without a mom made Marigold thinks a little different from others. Worse luck it seems like life is messing with her but upon being a mess she met a guy that change her perspective in so many aspect in life. 8aurelia || 7 - 23 - 21 Monte...