12

30 0 0
                                    



"Maayos ka na ba?"


Tanong ni ethan sa akin sa pagmulat ko palang ng mata ko, napalingon agad ako sa gawi niya, nasa ospital ako lintek omg! bakit ako nandito! Ayoko ang amoy ng ospital!


"Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kaniya at pinilit ang sarili na maupo.


Agad niya akong tinulungan pero agad ko ring binawi ang braso ko sa kaniya.


"Lagot ako sa grandma ko pag nalaman niyang nandito ko alam mo ba yun? Marami siyang sisisihin at tatanggalin na nag tatrabaho sa amin, bakit dito mo pa ako dinala?"


Alam kong ang ingrata 'ko, pero nag-aalala ako sa mga driver at yaya ko, hindi nila ako inalagaan yan ang tingin ng lola ko kaya natatakot ako baka malaman niyang nandito 'ko baka tanggalin sila.


"Nabangga ang kotse mo sa puno ang dami mong sugat tapos hindi kita dadalhin sa ospital? Mukha ba akong tanga?" Nararamdaman ko ang inis sa tono niya.


"Aalis na ako, wala din akong papayagan gumamot sa akin hindi ako pwedeng mag pakita sa mga doctor dito, pag nalaman ng daddy at lola ko na na-aksidente ako hindi na nila ako papayagan lumabas. They'll ground me," nagmamadali kong inalis ang kumot sa binti ko.


"Ano ba! Marigold!" Saway niya sa akin.


"Uuwi na ako ethan, bitawan mo na ako, salamat sa tulong mo, yung hospital bill bayaran mo muna, babayaran ko nalang sa'yo, hindi ako pwedeng magbayad kailangan ng pangalan ko iyon eh, mahuhuli nila ako, aalis na ako!" Nagmamadali kong sabi at hinigit ang karayom ng IV fluid naka tusok sa kamay ko, at dali-daling nag lakad kahit hirap na hirap ako.


Ang sakit sakit ng tiyan ko at nahihilo pa ako pero kailangan kong makaalis dito agad, walang pwedeng doctor na makakita sa akin baka isumbong nila ako kay daddy, pag nalaman ni daddy na na-aksidente ako hindi na niya ako papalabasin, grounded ako.


Paano ko makikita ang mga kaibigan ko kung bawal ako lumabas? Hindi ko sila akikita kung hindi ako pinapa-alis ng bahay.


Pagka-labas ko ay agad akong naghanap ng masasakyang taxi, naka yuko na ako dahil ang sakit talaga ng tiyan ko at parang hindi ko na kaya, yung dugo mula sa likod ng palad ko tuloy tuloy sa pag daloy, may taxi na paparating at pinara ko iyon pero hindi siya tumigil.


Napaluhod na ako sa sahig habang hawak ko ang tiyan ko, nag-uunahan ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko at nahihilo pa ako.


Naramdam kong may yumakap sa akin sa likod at maingat akong itinayo, pinangko ako at dumiretso sa parking area.


"Hindi ko alam gagawin ko sayong babae ka, nagagalit ako pero hindi ko ata kaya, nag-aalala ako sayo iyon ang lamang," narinig kong sabi niya.


Hindi lang ako nag salita at wala lang akong ginawa, hinayaan ko lang siya, "Saang ospital kita pwedeng dalhin?" Tanong niya.


Umiling ako at bumuntong hininga, "Wala, ayoko sa ospital, sa condo ko nalang," sagot ko at pumikit na ng tuluyan.


Nagising ako na naka higa na sa kama ng condo ko, nasa tabi ko si ethan at nililinis ang kamay kong may dugo dahil sa biglaang higit sa karayom kanina.


Hindi pa niya napansin na gising na ako, pero tinitigan ko siya, ngayon nalang kami nag kausap ulit maliban kagabi sa bar pero after 1 month ngayon nalang ulit. Naalala ko na naman yung babaeng kasama niya sa picture hindi ko alam kung anong iisipin ko sa kanila, kung sila bakit nandito ito ngayon? Pero hindi ko rin naman pwedeng isiping hindi sila edi nag assume na naman ako, hindi ko naman deserve masaktan niya dahil hindi ko naman hinahayaan yun kahit gusto at mahal ko siya hindi ko parin siya binibigyan ng permisong saktan ako.


Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now