19

18 0 0
                                    




"Nay, aida, doon niyo nalang po ito sa tabi ng kama ko ilagay, salamat po"


Pinauna ko na sila manang na umuwi dahil medyo madami na ang nabili kong gamit at hindi pa ako kuntento may gusto pa akong bilhin, nginitian ko si kuya alex saka niya kinuha ang ibang gamit sa kamay ko at lumakad na sila paalis ni nay aida. 


Dahil na pag decidan ko na dagdagan ng ibang gamit ang kwarto ko dahil dito natulog si tine kagabi at nalaman ko na hindi siya nakakatulog ng madilim ng sobra, okay lang sakanya na patay ang ilaw pero dapat may lamp na umiilaw dahil ayaw niya sa total darkness.


Nang mawala sila sa paningin ko ay saka naman ako naglakad ulit para tumingin sa iba pang shop. Napa-hinto ako sa isang shop ng alahas, binati ako ng mga sales lady doon at ngumiti lang ako nagtingin-tingin akong ng mga bracelet doon, hanggang sa nahintuan ko yong bracelet na pahaba at aakalain mong orasan pero kung tititigan mo ay itim lang naman iyon.


"Hi, can I try this one?" I kindly ask the lady in the front of me.


She obliged and carefully get the bracelet and gave it to me. Isinuot ko iyon at nagulat ako ng biglang umilaw iyon, at nag vibrate. "Kapag, kinakabahan kayo ay nag va-vibrate ho talaga ang bracelet na iyan." sabi ng sales lady at nagulat ako sa pag hanga.


"Maganda ho talaga iyan, at ito pa ho ang maganda riyan..." may kinuha siya pa siya at ipinina kita sa akin iyon. "...Lovers bracelet kasi ito, ma'am, kaya kapag ang salitang 'I miss you o I love you' ay nabanggit ng isa sa may suot ng bracelet ay agad na mag va-vibrate sa isa para ipaalam ang nararamdaman nung isa pa, kumbaga para itong communication bracelet. Kahit malayo kayo sa isa't isa malalaman niyo ang nararamdaman ng isa't isa sa pamamagitan nito."


She smile at me and I look at the bracelet shook and amazed at the same time, naisip ko kaagad si sean. "Pero paano mo malalaman na I miss you o I love you yung sinasabi?" I asked.


"Ah, kapag po 'I miss you' ay dalawang red light ang lalabas, kapag naman 'I love you' tatlo." she explained.


"How much is this? I mean this couple bracelet."


"It cost exact 1M miss" she said and I almost fell on the floor.


Jusko marigold, pwede mong sabihin kay ethan na miss at mahal mo siya ng personal mas maganda iyon kaysa sa ganito, utang na loob ayusin mo desisyon mo sa buhay.


Sabi iyan ng utak ko na dahil hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos ko marinig ang presyo nito, kaya kong bilhin ito, pero ang isang milyon na ipang babayad ko dito ay hindi ako ang nagtrabaho para doon, ibibigay ko ito kay sean, nakakahiya pero gamit ko ang pera ng magulang ko, ayokong bilhin ito ng may pag sisisihan ako sa huli, napaka ganda nito at hindi ko kayang bilhin ito kung sakaling magi-guilty lang din naman ako.


Sa naiisip ko ay hindi ko alam ang gagawin ko kung bibilhin ko ba dahil parang gusto ko pero may parte ding ayaw ko, pero ilang taon pa para mabalikan ko ito, I'm sure kapag ako nagka trabaho na ay wala na ito dito. Pero kung para sa akin ito ay magiging akin ito kahit kailan ko pa siya balikan.


May lungkot sa ngiti ay ibinalik ko ang bracelet sa sales lady, "Kahit ako rin ma'am ay gandang ganda sa bracelet na ito pero wala akong isang milyon para bilhin ito, at wala din akong jowa. pero ma'am ikaw palang ang nag lakas loob na mag dalawang isip kung bibilhin ito, dahil sa iba ay agad nilang binibitawan na parang isang maduming bagay ito. Asahan mo ma'am ang bracelet na ito ay mapapa sa'yo, babalik babalik ito sa'yo kahit ilang taon man ang lumipas."



Ngumiti siya at umalis na, ako naman ay naiwang naka tanga, babalik at babalik sa'yo lumipas man ang maraming taon.


Malungkot man ay lumabas ako ng shop at napahinto ako nang maramdaman ko ang titig ng isang tao. Lumingon ako sa kaliwa ko pero wala akong nakita. Alam ko namang nandito siya e kanina ko pa nararamdaman, tss mag tatago nalang pang-engot pa na paraan.


Nag lakad ako papuntang ibang shop saka ako namili ng iba pang pwedeng bilhin, lahat ng iyon ay puro kay tine. Masaya ako dahil lalo kaming nagiging close sa isa't -isa at lalo siyang nagiging open sana mag tuloy tuloy na to.


Mag se-seven na nang matapos ako mamili hindi ako kumain dahil mag uuwi ako para samin ni tine dahil yun ang gusto ko kumakain kasama siya, sa ilang linggo kaming ganoon ay nasanay na ako sa kaniya, masaya ako dahil nakikita ko siyang masaya.


Habang naglalakad ako ay napansin ko si ethan na nasa isang store mula sa gilid ng mata ko ay nakikita ko siya kunyari nag babasa ng libro pero ako naman ang tinitignan, tss. Crush na cruch ako. Hindi ko na siya pinansin o nilapitan.


Nag drive thru ako sa jolibee at Mcdo dahil parehas yon favorite ni tine. Pagka pasok ko ng bahay Ay nakita ko si grandma umuiinom ng wine, hindi ako bumati umakyat ako kaagad.


"It seems like you and tine are getting close," she said and I stop walking.


"We're cousins we should be close to each other." I answered and went to my room.


Lahat ng pinamili ko ay nandoon na nag bihis lang ako saka inayos iyon. kinuha ako ang tool box ko saka ako nagsimulang mag lagay ng mga pako para may sabitan ang mga binili ko. Pinagdidikit ko din iyong mga lights sa ding ding. Ung mga lamp ay nilagay ko sa right side ng kama dahil doon madalas naka higa si tine. Pagkatapos ko ay saka ko inayos ang mga pagkain namin sa lamesa.


Tinawagan ko si tine pero hindi siya sumasagot. "Baka may school project pa." Bulong ko sa sarili ko.


Nag hintay ako sa kaniya pero syempre minessage ko siya.


: hey, umorder ako ng mga favorite mo ah, ano oras u uuwi?

: matagal ka pa ba? mithu <3

: sorry, wag ka ma pressure, take your time :))

: ingat sa pag uwi, love you.


Anong oras na pero wala parin siya. Tinawagan ko si lucine pero wala e hindi siya sumasagot nag reply siya sa message ko pero hindi daw sila magkasama ngayon.


Ililigpit ko na sana yung pagkain pero biglang nag ring sa cellphone ko, tinignan ko iyon at nakita sa lucine ang caller, nagtataka akong sinagot iyon, pero napa ngiti din ako dahil baka mag kasama na sila.


"Hello, lucine?" sagot ko ko habang inaayos na mga pagkain.


[Mari...] Napa-diretso ako ng tayo dahil sa boses niya, umiiyak siya naparang akala mo sobrang lala ng nangyari.


"Hello, hey anong nangyari?? lucine." tanong ko natataranta na, lumapit na ako sa cabinet ko at saka kumuha ng coat at nag suot ng slippers house ko, bumaba ako habang naka ipit ang cellphone ko sa balikat ko at tainga, hinahanap ko kasi sa bag ko ang susi ko.


[Si..] Hindi niya matapos ang sasabihin niya dahil nauunahan siya nang pagiyak.


"Lucine, kalma..." sabi ko at hinayaan siyang kumalma. "...Anong nangyari?"


Matagal siya bago nagsalita kaya hinayaan ko na muna dahil kailangan niya mag pa kalma.


Nakarating ako sa baba at nag punta sa shoes cabinet para kumuha ng sapatos na magagamit.


[Mari, kapag nalaman mo 'to magiging okay ka lang diba? tayong lahat? magiging okay tayo?] tanong niya sa akin kaya napa hinto ako sa ginagawa.


Hindi ako tanga, alam ko na may iba siyang tinutumbok at ayoko marinig pero kailangan ko malinawan, natatakot ako na baka totoo pero kailangan ko malaman ang totoo, dahil gusto makatiyak na mali ang iniisip ko at...


[Mari...] Huminga siya ng malalim kasabay ng pag iipon ng luha sa mata ko. [...Patay na si christine, wala na si tine, Mari.] At humagolgol siya kasabay ng pag bagsak ko sa paanan ko, nanghihina.


Nagbasakan ang luha ko, para akong nabibingi sa paligid ko, tinakip ko ang dalawang kamay ko sa tenga ko, hindi ako maka hinga at sobra akong na nahihirapan i-process lahat.


...Hindi siya patay ... Hindi, Hindi pwede.


———////———

It took me forever to update, I'm so sorry, I got busy with my school works, here's the new update. Chapter 19, I hope u enjoy it. If you did please leave a comment and vote thank you byebye.

8aurelia

Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now