08

32 0 0
                                    



"Asan ang mga diapers?"


Tanong ko kay ethan habang karga karga niya si kate, gising na si kate at hindi naman umiiyak hinehele siya ni ethan para lang hindi mabagot, habang naka subo sa bunganga niya ang maliit niyang kamao.


Puno na at nadumi na ang bibe namin kaya dapat na palitan ng diaper, tinuro niya ang bag at tabi non ang isang malaking lalagyan ng diapers, naka tingin sa akin si kate nang tumingin ako pabalik sa kanila, agad akong ngumiti kay kate kinausap siya.


"Hello, bibeeee!" Nag baby talk pa ako at ngumiti-ngiti pa, nilapitan ko sila at hinalik halikan sa leeg si kate, I heard her giggles and that made me smile more.


"Lika na anak, palit na ng diaper bebe ko," kinuha ko siya kay ethan at hinalikan bago inilapag sa kama.


Pero hindi ko pa nahahawakan ang diaper  na suot niya umiyak na agad siya, napatingin ako kay ethan at agad naman niyang pinahawak ang daliri niya sa maliit na kamay ni kate, napangiti ako ng tumigil sa pag iyak si kate, at nilagay ulit sa bibig niya ang kamao niya.


Pinalitan ko ang diaper niya, at binihisan na din ng pantulog na damit, hawak hawak ni ethan sa isang kamay niya ang laruan para aliwin si kate, kung minsan ay kinakausap din niya at tatawa naman si kate kaya nahahawa kami sa tawa niya napaka cute.


"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.


Napatigil siya sa paglalaro sa bata at nag angat ng tingin sa akin, bahagya siyang tumingin sa tiyan niya at saktong tumunog iyon, nag angat ulit siya ng tingin sa akin, nahihiya.


"Wait, hey trev! 10 pm na! Don't tell me hindi ka pa kumakain?!" Hindi ko mapigilang kumunot ang noo dahil sa naiisip ko.


"I got... busy.. taking care of baby kate e, hindi na ako naka kain..." nag try siyang mag explain pero, lalo lang kumunot ang noo ko, "... Ahmm, I'm sorry na?" He did a peace sign and show me his teeth while smiling.


"Tsk. Kate oh, ninong mo sira ulo hindi kumakain!" Kinusap ko si kate na parang sasagot naman siya, saka ko siya kinuha at kinarga, tumayo ako at sinenyasan si trev na dalhin ang pacifier ni kate at laruan.


Lumabas ako ng kwarto niya at naglakad papunta sa hagdan pero tinawag niya ako bigla.


"Wait, marigold," I heard him shout so I did wait for him.


Ito ang pangalawang beses na tinawag niya ako sa first name ko, grabe and lalim ng boses niya. Grabe yung atake pag tinatawag niya ang pangalan ko, bakit ganito nararamdam ko shit!


Habang hinihintay siya at nilaro laro ko si kate sa at hinalikan sa ulo.


Dumating si trev at inakbayan ako, may hawak na din siyang hoodie, nagulat pa ako sa ginawa niya pag akbay pero bahagya niya akong hinigit gamit ang brasong naka palibot sa balikat ko, bumaba kami ng hagdan habang inaalalayan ako.


"So anong kakainin mo?" Tanong ko sa kaniya.


"Ikaw," sagot niya at sabay kaming napatingin sa isa't - isa ng may nagugulat na ekspresyon.


"Ibig ko sabihin, ikaw anong kakainin mo," nakaiwas ng tingin at nahihiya.


"Ikaw?" Sagot niya.


Naiinis ko siyang tiningnan, nanggagago e. Parang ulol kausapin amp!


"I want adobong pusit," he pout, I was about to speak when he hugged me and kiss kate on the cheeks.


Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now