"Ikaw na babae ka ah, walang kwento ah,"
Napalingon ako kay Eylin, kakapasok niya lang sa condo ko. Binaba niya ang gamit niya sa lamesa sa dining saka dumretso sakin sa kusina, napatigil ako habang pinapanood siya na ituloy ang ginagawa ko umupo ako sa upuan dahil siya na ang kumilos.
"Tungkol saan naman?" tanong ko sa kaniya.
"Anong nangyari sa italy? bakit may umiiyak na bata na tumawag sakin noong nakaraang araw. nagkita na pala kayo ni Ethan ulit? how was it? magkasama kayo sa italy?" sunod sunod na tanong niya.
Nangunot naman ang nuo ko, daldal talaga nitong Eylin na 'to.
"Nagkita kami ni Ethan noong nakaraan lang rin, pagkatapos non nagkaroon ng layover sa italy, bumisita ako sa bahay namin sumama sila. Nagkita rin kami ni Dakota medyo hindi maganda ang paguusap namin e." pagkkwento ko sa kaniya habang pinaglalaruan ang baso.
Hindi ko alam kung may alam si Eylin tungkol kay Dakota, pero kung meron man edi sana ol.
"Alam kong may dahilan kung bakit siya andoon Eylin, hindi ako tanga ilang beses na niya pinalagpas yung mga important events dito sa pilipinas dahil lang 'di siya makauwi dahil ano? may tinataguan siya?" tuloy tuloy kung pagsasalita para akong bata na nagsusumbong sa nanay.
Umupo siya sa tabi ko, hinawakan niya ang kamay ko.
"Mari, hindi lahat masasabi satin ni Dakota alam mo yan, alam mo kung gaano kahirap magsabi ng problema mo sa ibang tao diba? kung ano man yung pinakadahilan niya kung bakit siya umalis at kung hindi pa niya kayang sabihin satin ngayon 'yon okay lang, makakapagintay tayo diba? ang mahalaga okay siya, ang mahalaga masaya na siya."
Ngumiti siya sakin, naiintindihan ko naman si Dakota, medyo nagtatampo lang ako dahil kung gaano siya nahirapan ay hindi man lang kami nakatulong sakaniya, kinaya niya lahat ng walang tulong, sobrang sakit para sakin noong naabutan ko siya sa condo niya, isa yon sa mga tagpo namin na hindi ko makakalimutan.
Halos ikamatay ko ang guilt, what if maaga ako dumating? What if tinakbo ko na? hindi sana mangyayari iyon sa kaniya.
Tumulo muli ang luha ko, niyakap ako ni Eylin. "Alam kong hanggang ngayon dala mo ang guilt, pero hindi natin hawak ang panahon, may aalis at aalis."
"Hanggang ngayon iniisip ko rin an paano kung alam ko? sana nagawan ng paraan diba? hanggang ngayon dala ko parin ang guilt, pero we should move forward."
"Mari, thank you."
Napalingon ako sa nagsalita, nakatayo si Dakota at Niki sa likod namin mismo ni Eylin. Lumapit siya sa amin saka kami niyakap dalawa, umiiyak rin.
"Salamat, Mari, thank you dahil dumating ka dahil kung hindi baka pati ako ay namatay na rin noong gabing iyon." niyakap niya ako gamit ang dalawang kamay niya "Masakit parin sakin hanggang ngayon pero, tanggap ko na matagal na at kahit ganon hinding hindi iyon maaalis sa puso ko."

YOU ARE READING
Unexpected Flight (Monteverde Series #1)
Novela JuvenilGrowing up without a mom made Marigold thinks a little different from others. Worse luck it seems like life is messing with her but upon being a mess she met a guy that change her perspective in so many aspect in life. 8aurelia || 7 - 23 - 21 Monte...