10

28 0 0
                                    



"Ano? Kumusta?"


Tanong ko kay dakota habang nasa pinapanood ko ang mata, galing siya sa labas at alam kong hinahanap padin yung pinapahanap ng mga lola niya sa kaniya.


"Sino lamang?" Tanong niya, tinutukoy ang pinapanood ko.


"Team Cena, kumpleto pa silang lima sa team ni john cena, ang team authority tatlo nalang, tss mukhang magdadaya lang naman ulit sila triple H," alam ko naman yun, may laro ba yung hindi nandadaya? Lagi naman e.


"So, kumusta nga?"


"Wala pa din tsk! I'm getting impatient. Napaka hirap hagilapin ng lalaking iyon!" She hissed and lay beside me grabbing my hand for her to hug.


Napa-ngiti ako sa kinilos niya at ginulo ang buhok niya gamit ang isang kamay ko, saka ko iyon tinapik-tapik, tahimik lang kami, natutulog siya at nanonood ako.


"Putangina!" Gulat akong napa ayos ng upo ng biglang sapakin ni big show si john cena at e-cover siya ni seth rollins! Tanggal ang bibe ko.


"Ano? Saan? Sinong kalaban?" Gulat ding napabangon si dakota at handa na ang kamao na sumapak.


I pouted and look at her, tinuro ko ang laptop at nakita ko si big show na nakikipag kamay na kay triple H, grabe ka big show! Ang sama-sama mo!


"Ay naku! Traydor!" Napamura din si DK "Hayaan mo na hindi masarap ulam niya mamaya paguwi niya," Wow bakit? Ikaw na magluluto? Ay asawa ka na? Why naman jinowa mo?


Napalingon kami sa pinto ng pumasok doon si eylin saka si niki, naka uniform pa at halatang bad trip si niki, naka kunot ang noo at yamot na yamot sa buhay.


"Oh? Wala ka lang dilig, yamot ka na naman," umupo siya sa kama ko at nahiga rin naka tingin sa kisame at kuminang ang mata, nababadya na ang luha.


"Tangina, kung hindi lang dahil sa wala akong matirahan aalis na ako sa impyernong iyon!" Nang-gigigil na sabi niya, problema na naman sa bahay.


"Punyeta yung babaeng yon! Napaka kapal ng mukha," niyakap siya ni eylin at saka ako tinignan.


"Ikaw kumusta?" Tanong ko sa kaniya.


"May party na a-attendan bukas ang family, kasama na naman ako, another episode of being happy, forcing my self to be happy rather," she sarcastically said and I look down, ang dami naming problema naawa ako sa amin, kailan ba ito natatapos?


"Inom tayo?" Aya ni dakota, nagka-tinginan kami at sabay sabay na ngumiti, kanya kanya kaming ayos saka lumabas sa unit ko at bumaba sa parking lot.


Naka rating kami sa pinaka malapit na bar, maliit lang naman iyon at sa roof deck pwede mag inom, isang bucket agad ang inorder ni dakota, di na ako umarte uminom nalang agad libre 'to kung magiinarte ako baka pabilhin ako ng ibang alak, 'yoko nga tipid days ko ngayon, nakaka inis nga lang kasi nakakasira ng tiyan, pag gising ko bilbil ko kumakaway na naman.


"Hoy, may chika ako sa inyo," agad naman akong napatingin kay eylin, nabibilib pa dahil mag ku-kwento siya sa amin, minsan lang niya gawin ito e.


"Yung crush ko, nakita ko ulit. Almost 13 years kaming hindi nagkita kasi dinala siya sa america tapos nung nakaraang party pinuntahan namin nakita ko siya, tangina ang sakit pala iba parin hahanapin niya sayo, akala ko yun na yun e, iba parin pala ang gusto makita. Awit haha," tumatawa niyang kwento pero alam kong sobrang sakit na niyan sa loob niya.


Kunot noo ko siyang tiningnan at naawa ako sa itsura niya, nakatinginan kaming tatlo.


Pero nabibilib din ako dahil nag sabi siya, masaya akong sinabi niya sa amin ito. "Ahmmm... baka nam...an," niki couldn't say a word.


Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now