23

17 0 0
                                    


"hello po," parang tanga kong sagot habang hawak ang bracelet ko na pinapatigil sa pag tunog.

Ang ingay naman neto mabubuko pa ako e.

Natatawa siya sa reaction ko lumabi naman ako dahil sa kahihiyan. Natawa rin si Captain Garcia.

Naiinis ako lumapit kay Isaa, sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi pa siya tapos mang-asar sakin, mamaya 'to sakin babaeng to. Kinurot ko siya sa bewang.

"Aray, pota," malakas na sabi niya pero pabulong yung pota.

Nag start na mag briefing, after briefing ay sumakay na kami sa aircraft na gagamitin namin inilagay ko ang gamit ko ng maayos saka lumabas sa kwarto para i-check ang mga gamit kung complete ba or may kulang.

"Uy be! Anong meron sa inyo ni Cap?" tanong ng isa kong co-flight attendant.

Naiilang naman akong tinignan siya dahil kung mag tanong siya ay parang akala mo close kami. Tatanong ka pa 'di ka naman magugustuhan non, psh.

"Wala, walang meron." ngumiti ako bago ako ang patuloy sa ginagawa, nakita ko nama siyang lumabi sandali bago bumalik din sa sarili niyang ginagawa.

"Cap!" napalingon ako kay issa nang mag-salita siya. 

Pero tawa niya lang ang sumalubong sakin, inaasar na naman ako nito! 

Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang si gaga, nag liwanag ang paningin ko.

"Hi, Captain Garcia." bati ko pero nawala ang ngiti ko nang lumabas din si Ethan, tumingin siya sakin kaya napa yuko ako.

Magsasalita na sana si Captain pero naunahan siya ni issa, "Hahahaha funny ka bes, 'di mo ko maloloko." gagong Issa 'to akala niya ay tinitrip ko siya, pinanlakihan ko siya ng mata pero natawa lang si gaga, nakita ko naman si captain garcia na natawa dahil sa sagot ni issa, napa-iling naman si Ethan.

"Hi, Miss Sanchez." He greeted while looking at Issa.

Saka siya nag excuse, may pinuntahan siya. Lumingon sakin si issa na nanlalaki ang mata.

"Ano?" natatawa kong tanong.

Dumating ang mga pasahero, nag take off at karating kami sa rome may 3 days kaming layover, ang tagal niya pero okay lang naman, at least pahinga, hindi ako masyado nag dala ng gamit dahil may bahay naman kami dito.

Huli kaming bumaba, naglalakad kami hila hila ang mga maleta namin.

"Celestine, bakit ang liit ng luggage mo?" tanong sakin ng co-flight attendant ko.

Napalingon din si Ethan noong tinanong.

"May bahay naman dito si celestine," walang prenong sagot ni Issa para sakin.

Nilingon ako ni Cap Garcia, nakangiti siya at lumingon kay Ethan may binulong siya kay Ethan na dahilan naman para itulak noong isa yung mukha ng kaibigan.

"So saan dito sa Italy ang bahay mo Miss Sanchez?" tanong ni Captain Garcia.

"Marigold nalang Cap." ngumiti ako sakaniya, saka sumagot.

"Sa Sicily po cap, malayo siya pero uuwiin ko po bibisita lang."

Napatango naman si cap saka nag cellphone, nakatingin naman si Issa sa amin saka umiwas ng tingin.

Nakarating kami sa hotel na tutuluyan namin, bukas ng maaga ako aalis dahil mag sa-subway lang ako. Si Issa ang room mate ko, at room mate naman yung dalawa pa naming kasama si Cap Garcia at Ethan naman ang room mate, of course wala naman silang choice.

Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now