13

32 0 0
                                    



"Hoy pokpok!"


Napalingon ako, parang inamin ko din na pokpok ako, si dakota lang naman ito.


"May kasama ka daw noong pumasok?" Tanong niya, lintek tong school nato puno ng chismoso't chismosa.


"Ahh si ethan lang, bakit?" Nilingon ko siya nagulat pa ako ng makita ang masama niyang titig sa akin.


"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.


"Hindi ka na nag ke-kwento ah, ganiyan ka na noh! Grabe talaga pag hindi na importante yung kaibigan lagi—-"


Sinubuan ko siya ng buong sushi para tumahimik, napakadaldal nakakainis, sa aming lahat siya ang pinaka maingay.


"Nakilala ko si ethan sa club nung nalasing kayo ni eylin ng malala, hirap na hirap kami ni niki noon kaya tinulungan niya kami, hindi ko lang alam na magkikita pa pala kami after noong gabing iyon," paliwanag ko habang ngumangata ng apple.


"Ahh so kayo na?" Parang nalunok ko yung sliced apple ng hindi nangunguya.


"Huh? Gago ka ba?!" Natawa siya sa akin at kinuha ang natitirang sliced ng apple sa plato ko.


"Kasi hinatid ka e, so ibig sabihin kayo na?" Etong babae na 'to parang tanga!


"Jusko naman dakota! At bakit ko naman magiging boypren yun? Ni hindi ko nga type ang isang yon! Saka ano ba para kang tanga ano bagong bago sa mga ganito? Parang akala mo naman unang beses ko nakipag landian, tsk!" Nayayamot kong kinuha ang natirang apple na naka-ipit sa labi at ngipin niya at kinain iyon.


"Wow so inamin mo na rin, naglalandian nga kayo," ngumisi siya sa'kin


"Tsk! Basta kasi hindi naman kasi ganon yun na kami agad! Saka naalala mo, may girlfriend?"

"Ay puta hoy alam mo palang may gelpren yung tao tapos pumayag ka mag pahatid? Gago ka ba? Tangina ayoko sa kabit bahala ka diyan hindi kita kilala ah," sabi niya naka harang pa ang dalawang kamay sa tapat ko na parang ayaw na niya talaga sa akin.


"Para kang ulol!" Naiinis ko siyang pinitik sa noo saka umalis sa upuan at naglakad pabalik ng room.


Natapos ang klase at nagaalala naman ako habang nag aayos ng gamit sa locker dahil wala akong sasakyan at hindi naman ako pedeng mag pasundo, na kay dakota pa ang kotse ko, nakakahiya naman kay ethan kung papasundo ako diba, saka baka kasama niya ang girlfriend niya so commute talaga ako, buset.


"Hi, celestine," nginitian ko ang isa sa ka blockmate ko.


Nakamot ako ng ulo at nababagot na dahil hindi ko na alam pero wala na akong ma isip na ibang paraan maliban sa pag ko-commute, hayst kinamot ko ang noo ko at naka simangot na nag tuloy tuloy palabas.


Pero na hulog ang panga ko sa nakita ko. Naka sandal si ethan sa kotse niya at naka halukipkip, he is trying his best to stifle a laugh, I bet he saw what I'm doing while I was walking.


Naglakad siya papalapit sa akin dahil hindi ako gumalaw, noong nasa harap ko na siya ay saka siya nag pakalawa ng gwapong gwapo na chuckled.


"Andito ako, hindi ako umalis," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.


"Andito ka," I unconsciously said, I'm still shock seeing him here.


He chuckled and lead the way to his car, I followed him until he face me again, "You want to eat somewhere?"


"Ahmm, I want jolibee lang," I said and smile at him cutely.


Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now