"Mari, makinig ka muna sa akin, magpapaliwanag ako."Tinabig ko ang kamay niyang akmang hahawakan ang kamay ko, sinamaan ko siya ng tingin at pinunasan ko ang luha ko at saka tumayo. Hinabol niya ako pero wala akong paki sa kung sino na ang nakakakita at kung gaano siya kalakas sumigaw sa pagtawag ng pangalan ko.
Dire-diretso akong maglakad papuntang elevator at saka sumakay nakita ko siyang humahabol parin at naabutan niya ang elevator bago sumara. Naiinis ko siyang tiningnan at saka pinindot ang button para bumukas ulit ang pinto saka ako lumabas, narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko ulit. Mag hahagdan na ako at wala akong paki.
"Mari please," nauna siyang bumaba sa steps kaya mas mataas ako sa kaniya, ang mga mata niya ay nakikiusap na pakinggan ko siya pero nag iwas ako ng tingin at hindi narin gumalaw sa kinatatayuan ko.
Ang sakit, hindi ko alam paano niya nagagawang hindi ako kumustahin at makipaglandian sa babaeng iyon. naiinis ako sa isiping magkasama sila ng matagal na panahon tapos ang sweet nila, ni hindi nga namin nagawa iyon, ni hindi nga namin nagawang lumabas bilang couple pero may nauna na siyang pag gawan ng ganon.
Ang sakit kasi alam kong ano mang oras mula ngayon ay iiwan na niya ako, tutal pa graduate naman na siya diba? yan naman ang plano niya aalis siya dahil sa tatay niya. Wala sa utak ko ang masaktan dahil aalis na siya pero...
"Kailangan ko mari, kailangan kong gawin." tanging na sabi niya, nakayuko.
Sarkastiko akong natawa at saka tumitig sa kaniya, "Oo ethan kailangan mo, pero tangina kailangan din kita e, ni text man lang wala akong natanggap mula sayo, oo sinabi ko na gawin mo ang kailangan mong gawin, pero hindi ko sinabi sayong ihanda mo narin ako para sa pag-iwan mo sakin."
"Ang saya saya mo tingnan sa kaniya, parang hindi mo ata naalalang may girlfriend ka na inintay ka, jusko ethan may karapatan pa ba akong tawagin sarili kong girlfriend mo? ako parin ba?"
Pagka tapos ko sabihin iyon ay bumaba na ako inunahan na siya, dahil baka may sagot siya sa akin at natatakot ako, baka na realize na niya na nakakapagod na ako at hindi na niya kaya. Ayokong may marinig mula sa kaniya at ayokong makita siya.
"Mari, ano ba?" sigaw niya habang bumababa.
Naglakad ako papalapit sa elevator at saka niya ako hinarap hinawakan ang dalawa kong braso at hindi ako pinakawalan, tinitigan niya ako at saka nagsalita.
"I have to save my family. Mari, this is the only way I know just please mari, understand."
Natahimik ako at hindi ko alam ang sasabihin, oo nga pala, wala naman akong ibang magagawa, hindi ko siya matulungan, sa ganitong paraan lang ang makakaya ko para mapagaan ang loob niya, ang sakit pero sige...
"Bumalik ka na sa kaniya, naiintindihan ko," I gave him a weak smile.
Hindi pa ako nangangalahati sa pag lalakad ko ay may yumakap sa akin mula sa likod.
Isinubsub niya sa leeg ko ang mukha niya at nag patuloy sa pag iyak, ang higpit ng yakap niya at nakapa init, namiss ko to. Miss na miss ko siya.
Yakap yakap niya ako at hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak sa leeg ko.
"Pagod na ako mari, kung alam mo lang kung gaano na ako ka pagod, gustong gusto ko na umuwi sayo, pero natatakot ako kasi baka hindi na ako umalis sa tabi mo at tuluyan nalang ako mawalan ng paki sa mundo at lumayo kasama mo, natatakot akong mawalan ng silbi sa pamilya namin,"
YOU ARE READING
Unexpected Flight (Monteverde Series #1)
TeenfikceGrowing up without a mom made Marigold thinks a little different from others. Worse luck it seems like life is messing with her but upon being a mess she met a guy that change her perspective in so many aspect in life. 8aurelia || 7 - 23 - 21 Monte...