03

37 1 0
                                    



"Ano? kakain ka pa ba?"


Nakita ko ang pag aalinlangan niyang kumain at bahagyang tinitignan ang mga pagkain sa harap, alam kong hindi siya sanay sa ganito, pero gusto ko siya makatikim ng ibang pagkain pero kung hindi niya gusto... edi don't.


"Halika na, mukhang wala kang balak na kainin isa sa mga iyan at nakikita kong hindi ka pa talaga handa," nag lakad ako pabalik sa kotse ng hilahin niya ang isa kong braso.


Napa lingon ako sa kaniya at nangunot ang noo ko sa titig niya sa akin na mukhang pinag-aaralan ang reaksiyon.


"Let's eat here," he smile at me.


Nagliwanag ang mukha ko saka nangiting lumapit pa lalo sa kaniya, "Talaga? kakain ka? hindi ka napipilitan?"


Umiling siya at saka pinanggigilan ang pisngi ko, nauna siyang mga lakad at tumingin-tingin ng pagkain, habang ako ay naka tanga lang sa kaniya, gulat parin sa ginawa niya at hindi ko man sabihin uminit ang pisngi ko doon, sure akong namumula iyon sa pinaghalong pisil at kilig na ginawa niya. hala mare? pisilin daw ba ang pisngi ko.


Lumingon siya sa akin at itinaas ang isang kilay nagtatanong kung bakit di ako gumalaw.


Ikaw kaya ganunin!


Nagmamadali akong lumapit sa kaniya saka parang tangang tumingala. I look like a child beside him.


"Ahmmmm, wala akong alam dito e... first time ko kasi, ano bang dapat na orderin para sa first timer?" tanong niya habang kumakamot ng batok at hiyang hiya sa sinasabi.


Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa sinabi niya, first timer? ano to? dapat pala may pagkain for pioneer and for first timer? ang witty nitong kumag na 'to


"Stop laughing please," he whined and I laugh more.


"Come here," hinila ko siya papalapit sa mga paninda.


Kumuha ako ng isang stick saka ko iyon hinarap sa kaniya.


"Fishball ang tawag dito," binigay ko kay ate yung stick para initin yung fishball.


"Eto naman, kikiam. next is pugo, ito naman kwek kwek, next is-----" he cut me off.


"Hindi sila same? this one and this one? their names are weird and wait is this tangerine flavor?" gusto kong humiga sa gitna ng kalsada sa sinabi niya.


Napatanga ako sa kaniya habang siya ay maganda ang ngiti sa akin at hinihintay ang sagot ko nag babakasakaling tama siya.


"Anong tangerine? Ha? Anong tangerine?!" Nag init ang ulo ko bigla nawala ang maganda niyang ngiti ng maraning ang sinabi ko.


Bigla siyang nalungkot dahil sa mukhang alam na niyang hindi tama ang sagot niya, ngumuso siya na akala mo sa tangerine na tamang sagot na iniintay niya naka dipende ang buhay niya.


"Hoy! Tigilan mo nga yang pag nguso mo! Para kang bata!" Suway ko sa kaniya, umiwas ng tingin.


"Why?! Hey! Don't turn your back on me," hinabol na ako at hinawakan niya ang kamay ko.


"Mali ba ako? Alam mo yung tangerine? And orange? Parang ganto yun, color orange 'to oh, so baka same lang," his eyes scream hope.



Napakamot ako ng kilay, kinuha ko ang stick sa kamay niya.


"Itong kwek kwek to, magkaiba lang sila ng zise pero kwek kwek ang tawag dito at pugo ang nasa loob nito, bugok ka," kinatok ko sa ulo niya yung maliit na kwek kwek.


Pero syempre iningatan ako na hindi masagi ng tusok ng stick ang ulo niya, baka magasgasan ang bumbunan wala akong ulo ng baboy na maiaalay para ipalit sa ulo niya.


"Awww," and he pout at me, oh god he look so cute. "Tsh, at ito. Kwek kwek to penoy ang nasa loob!" Pero tatawa tawa niyang pinigilan yung kamay ko akmang ikakaltok ulit sa kaniya.


"Let's go na, let's eat na," binigay niya dun sa nag luluto yung kwek kwek at fishball saka kikiam na hawak niya para initin.


Inaya ko siya dun sa mga lamesa para maka upo na, lintek hirap na hirap na yung paa ko kakatayo, mukhang siya lang ang hindi pagod kakalakad, ang laki kasing tao.


"Hey, let's have a bet," napataas ang kilay ko sa sinabi niya.


"Anong pustahan?" Tanong ko sa kaniya.


"Pag ako naka ubos ng mahigit ten na stick I'll bring you here again, to treat you," saan niyang ngiting-ngiti.


"Tss. eh kung pektusan pa kita e, kayang kong pimunta dito mag-isa araw arawin ko pa, saka pano mo magagawang maka ubos ng mahigit sampu e hindi ko nga makita na gusto mo yung pagkain e," hinarap ko siya at sabi ko sa kaniya.


"Well, that's why it's a bet, Ms. Sanchez," then he wink at me, kanina pa to parang tanga.


"Alam mo yang kagaganyan mo, may kalalagyan ka sakin," banta ko at itinaas ang paa sa sa upuang inuupuan ko den.


Nakapantalon ako kaya wag ano jan, naka cycling ako tapos panty double to secure. Pag may nakita sa puto ko edi enjoy the view.

"Hey!" Saway niya sa akin, "ahmm, I'm sorry, pero do you really sit like that?" Tanong niya, ang cute may accent pa!


"Hindi, pero mainit sa paa yung sahig kaya itinaas ko, wag ka mag alala, may cycling ako," sabi ko and he nod.


Dumating ang mga pagkaing pinainit namin, "Salamat po,"


"Ano? Itry mo na," sabi ko sa kaniya, iniintay ko ang reaksiyon niya.


"Isawsaw mo dito, mas masarap pag may sawsawan ka, tapos hipan mo baka kasi mainit pa iyan e,"


Ginawa niya lahat ng sinabi ko at inamoy muna iyon bago kainin, hinintay ko ang magiging reaksiyon niya, hanggang ngayon hindi pa rin siya humaharap sa akin, mukhang hindi niya talaga nagustuhan.


Tsk. Ayaw nga kasi ipipilit mo! Bulyaw ng utak ko sa akin. Ay wow nag reresponse.


Pero bigla siyang nag angat ng tingin sa akin, maliwanag ang mukha ata mukha may magandang sasabihin.


"Ano? Masarap ba? Hoy okay lang kung ayaw mo ha, baka dahil hindi sanay ang tiyan mo sumakit bigla iyan, wala akong balak na dalhin ka sa ospital lalo na a——"


"Let's order more 10 of this," he said and that made me laugh.


"I guess, I lose the bet,"


----///----

8aurelia

Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now