"Nandita na tayo,"Napamulat ako ng mata ng marinig si dakota na ginising ako, nandito na kami sa... bahay, hayst.
"Ihahatid ko pa sila eylin at niki, ibabalik ko bukas tong sasakyan mo," sabi niya at tumango naman ako, tulog na yung dalawa sa likod ko at hinalikan ko sa pisngi si dakota bago lumabas sa kotse at natungo sa gate.
"Ma'am," aalalayan sana ako ni kuya alex pero sabi ko ay 'wag na kaya ko naman.
Dumiresto ako sa living room at naabutan doon si grandma kasama ang mga amiga niya na nag ma-mahjong.
Nakinig lang ako sa pinaguusapan nila kaya nag tago lang ako sa likod ng dingding.
"Nasaan ang apo mo?" Tanong nung isang babae, sarkastiko at alam kong inaasar niya ang lola ko.
"Drop the apo word, wala pa akong apo, masyado pa akong bata para sa apo," nagsalita si grandma pero ang paningin at nasa mahjong tiles, natawa naman ang ibang mga kasama niya.
"Hanggang ngayon hindi mo parin tanggap na si marigold ang anak ni marisol kay damian, mabait na bata si marisol at namana iyon ni marigold," pagtatanggol sa akin nung isang babae.
"Hindi ko siya tinitingnan na apo, pagkakamali siya ng dalawang batang tatanga-tanga noong gabing iyon," nangilid ang luha ko sa narinig ko pero pinigilan ko lang.
"Hindi kasalanan ni marigold ang nangyari sa mga magulang niya at bilang lola ay dapat mo siyang inaalagaan dahil wala ang nanay niya sa tabi niya." Segunda ulit nung babae, pero inirapan lang siya ng grandma.
"Parusa iyon! Parusa sa mga magulang niya na sa kaniya naibato, if they just listen to me back then, if marisol just didn't take the baby," masungit niyang sabi.
Nanlaki ang mata ako at tuluyan nang naluha sa narinig ko, so kaya pala hindi niya ako tanggap mula noon pa dahil gusto na niyang ipalaglag ako ng mommy ko noon, hindi ko maintindihan... ano bang kasalanan ng monmy ko sa kaniya at ginaganito niya kami? Naguguluhan ako, may parte sa akin na gusto ko siyang tanungin at intindihin pero parang hindi ko kaya.
"Manahimik na nga kayo, malandi naman kasi talaga si marisol, totoo ang sinabi ni adeline, kung hindi lang nila binuhay si marigold edi walang naghihirap ngayon, maski anak ko ay baliw na baliw sa malanding iyon, hindi ko maintindihan sa anong paraan nagustuhan ng anak ko ang babaeng iyon, kinama ba niya ang anak ko? Kung iyon ang dahilan at para mabaliw halos mamatay ang anak ko nang malamang buntis siya sa anak ni damian, malandi talaga siya." Sabat isang babae na kanina pa na nanahimik.
Nagpantig ang tenga ko at parang unakyat sa ulo ko lahat ng dugo ko, sa isang iglap uminit ang ulo ko at walang modong sinipa ang sandalan ng upuan niya, nasubsub siya sa lamesa, napatayo naman ang tatlo pa niyang kaibigan, pero wala akong pakialam, inulit ko pa at mas nilakasan sa pagkakataong ito ay ginawa ko iyon ng nakatayo na siya kaya mas lalo siyang nasubsub sa lamesa nagulo ang mahjong tiles at nang marinig ang daing niya dahil sa sakit ay inulit ko pa sa pgkakataong iton naman ay itinuon ko ang bigat ng katawan ko sa binti ko bago siya sinipa kaya lumagapak ang lamesa kasama siya.
Naririnig ko ang sigawan ng mga kaibigan niya at mga katulong na sabay sabay dumating maging ang mga drivers at guards.
"Anong sabi mo! Malandi ang mommy ko?" Lumapit ako sa kaniya at sinabunutan siya, narinig ko ang pag-igik niya sa sakit at mas natuwa akong marinig iyon kaya hinila ko pa ng todo ang buhok niya.
"Kung ang mommy ko malandi anong tawag sayo? Ha?! Ano?! Putangina ka sumagot ka!" Iniharap ko siya sa akin at sinabunutan ulit.
"Tama na! Marigold nasasaktan ako," napangisi ako.

YOU ARE READING
Unexpected Flight (Monteverde Series #1)
Roman pour AdolescentsGrowing up without a mom made Marigold thinks a little different from others. Worse luck it seems like life is messing with her but upon being a mess she met a guy that change her perspective in so many aspect in life. 8aurelia || 7 - 23 - 21 Monte...