Avery's POV
Ilang buwan na ang lumipas lagi ko ring nakikita sa Hospital si Sean kahit na wala na ang Fiance niya doon. Parang tanga lang.
Ngayong araw ang kasal ni Jillian at kasali ako bride's maid niya. Ash gray ang gown namin. Dahil yun ang request ni Jillian.
"Ang ganda!" puri sa akin ni Aly.
"Ka babaeng tao mo, bolera ka." natawa lang siya sa sinabi ko.
"Totoo naman kasi." sabay pout pa nito, pagkatapos naming sa lahat, hinatid na kami sa simbahan, maya maya pa, nandon na din ang bride kaya naman nagsimula na ang ceremony.
Bigla nalang may tumabi sa akin, siguro ito na yung kapartner ko sa paglalakad, paglingon ko si
"Sean?" gulat kung tanong.
Tinignan niya lang ako at tumingin na ulit sa harap, dahil mamaya maya pa kami, tahimik lang kami pareho hanggang sa inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Huh?"
"Give me your hands, tayo na ang next." ng mapagtanto, agad kung binigay ang kamay ko sakanya.
Sobrang bilis ng takbo ng puso ko, tyaka andami namang ano kanina, bakit sa akin pa siya nakipag partner?
Naglakad na kami, agad akong ngumiti, medyo nanginginig din ako, pero di ko na pinahalata, baka may masabi pa tong si Sean
Nang umabot kami sa altar, naghiwalat na kami, dumiretso agad ako sa upuan ko, at pinakalma ang sarili.
Natapos ang kasal at agad na nagpunta ang mga tao sa reception, sumakay kami sa sasakyan ni Nico, at nagtungo na din sa Reception.
Pagdating namin doon, ready na ang lahat, umupo na din kami malapit na dumating ang bride and groom.
Kita ko sa mga mata ng mag asawa ang saya, sino ba hindi magiging masaya, lalo na at kinasal kana sa taong mahal na mahal mo, diba? Ano kayang feeling noon?
Nagingay na ang mga tao, nagsalita din si Ashley, nagbigay siya ng Message sa mag asawa, dahil maid of honor naman siya, ganon din si Thunder, dahil best man s'ya.
Hanggang sa itatapon na ng bride ang bulaklak niya, dahil wala naman akong boyfriend, di na ako nakisali.
"Ave, let's go!" Aya ni Aly.
Agad akong umiling "Kayo nalang, wala naman akong boyfriend, mas mabuti kung si Amy ang ilagay niyo sa unahan, since ikakasal na naman siya."
"Ang kj nito! Pero sige na nga, jan ka lang ha!" Agad akong ngumiti sakanya. Umiinom lang ako ng champagne.
"Are you ready?" Sigaw ng emcee.
Nagtilian naman agad sila, at nag yes.
"In 1... 2... 3... Go!" Tinigna ko sila at naguunahang makasalo sa bulaklak, napangiti tuloy ako, hanggang sa bumagsak sa lap ko ang bulaklak. Yung ngiti ko, napalitan ng gulat.
"Omygod! Sakanya na punta, congrats!" Bati sa akin ng Emcee.
"H-Huh?" Di padin makapaniwalang sa akin napunta ang bulaklak.
"Ayan! Ayaw kasing tumayo don, ayan nasayo, bulaklak na yung pumunta sayo, siya na nag adjust, kaloka ka." Napayuko nalang ako, at napabuntong hininga.
Pag angat ko ng tingin, isang paris ng mata agad ang nakasalubong ko. Agad ako napaiwas ng tingin sakanya.
Bakit siya nakatingin sa akin? Dahil ba sa bulaklak? Napailing agad ako.
Gabi na at ang ingay padin ng mga tao, masaya sila para sa mag asawa. Lumabas muna ako ng reception para magpahangin. Nagmumuni muni ako sa paligid.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.