Avery's POV
Its monday, at naghahanda ako para sa sayaw namin, half day lang kaming may contest, buti naman. May lakad pa kami ni Ashley later.
"Andon na daw yung mga iba't ibang section" sabi ng taga kabilang group.
Medyu kinakabahan ako, sino ba hindi kakabahan, na simpleng performance lang, andami ng manonood. Pero kakayanin para sa grades.
Maya maya pa, pinatawag na ang group 1 at nagsayaw na sila. Nakita ko si Aly at Jedrek na nagkukulitan.
Sumilip muna ako para tignan ang sayaw ng group 1, sabay sabay sila. Dapat lang balita ko, napaka strict daw ni Jasper, habang nag papractice sila.
Bigla akong kinabahan kasi tapos na sila, mabilis akong bumalik sa back stage, inayos ko din ang suot ko.
Nakasuot lang ako ng military black camo cargo pants and oversize-cropped top shirt. Naka french braid din ako. Tinawag kona ang mga ka grupo ko.
"So ganito ha, kung kinakabahan kayu, wag niyo isiping maraming tao, ok? Ready na kayo, maya maya tatawagin na tayu" nag thumbs up lang sila, at tinawag na kami.
Pumwesto na kami sa kanya kanyang pwesto namin, at pinatugtog na nila ang 'love shot' by exo.
Sa una sabay sabay muna kami, at buti nalang walang mali, minsan kasi tatawa nalang sila bigla, ewan ko kung bakit. Yung mga nagrereklamo din dati, seryuso ang mga mukha.
Dahil nong practice wala akong choice, ako ang nasa gitna at sumasayaw ng ibang steps ngayon, pero napag practisan naman namin to.
Pag dating ko sa gitna, naghiyawan naman ang mga tao.
Pagkatapos non, sabay sabay na kami, may mga kinikilig na audience, may nanonood lang, may mga namamangha, at syempre may mga parang fans na ewan. Napatingin ako sa anim na tao sa harap namin, nakatingin lang sila saamin. Hindi kona tinignan si Sean at baka mawala pa ako.
Pumagitna naman si Cheska, dancer si Cheska, at sikat din dito sa University, mabait kasi siya at maganda.
Bumalik ako sa gitna at ako naman ang sumayaw, muntik pa akong matapilok buti nalang hindi masyadong halata.
Pag dating sa chouros, sabay sabay na kaming sumayaw, si Jedrek, Tirus, at Vincent. Si Vincent at Tirus ay basketball players dito sa University kaya naman normal na ng magingay ang mga babae.
Go with the flow lang kami, hanggang sa natapos yung kanta.
Pagdating sa backstage, yung mga lalake, naghubad agad ng damit, kasali na don si Jedrek, napatingin ako kay Aly na nanlaki yung mga mata, dahan dahan naman siyang tumingin sakin at mas lalong lumaki ang mata.
Umalis nalang siya don, at nagpunta kung saan.
"Baliw" bulong ko habang tumatawa ng mahina.
"Buti nalang di tayo nagkamali kanina no? Kanina kasi habang sumasayaw sina Jasper, dalawa sa members nila nagkamali" bulong naman ng isa kong babaeng kaklase.
"Strict pa naman si Si Zero at Ma'am Jillian pag contest na ang usapan"
Sagot naman ng kausap niya.Nagkamali sina Jasper kanina?
Lumabas nalang akong back stage at pinanood sina Cloud mag perform, hinanap ng paningin ko si Amy, ewan ko kung bakit, basta hinahanap ko siya.
And gotcha! Nakita ko siyang nagheheadphone, at nakatingin sa phone niya. Ayaw niya talagang pinapanood si Cloud no? Hayy buhay.
Pagkatapos ng contest, pinapunta kami sa harap lahat, dahil malaki naman ang stage, nagkasya naman kami.
Kinakabahan ako, maganda kasi sayaw nina Jasper at Cloud, ewan kolang yung saamin, basta ang alam ko, sabay sabay kami.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.