Sean's POV
"Tignan mo, bro." sabay abot ni Nico sa folder. "Transferee, from Korea."
Binasa ko naman ang loob nito at nakita ko ang isang picture ng batang babae, at info niya.
Avery Laine P. Kim 20 years old
Maganda siya, pero ang bata niya dito sa picture, naglakad na ako papunta sa department para magturo, maraming estudyante ngayon, na naglalakad papunta sa kanya kanyang block nila.
Pagliko ko sa isang corridor, may nakabanggan akong isang babae.
"Hala! ang sandwich ko! Ang sandwich ko!" sigaw niya, nakatingin lang ako sakanya ng malamig, habang siya ayun pinagpagan ang tinapay na dala. Kumunot ang noo ko ng makitang kumagat siya doon, ano? Hindi man lang ba siya mag sosorry?
"Are you blind?" inis kung tanong. Nag angat naman ito ng tingin at tinignan ako. No! Tinititigan niya ako, natulala ba siya? Tf? "Stop Staring at me." Parang nabalik ito sa katinuan at umayos ng tayo, tinago niya din sa bulsa niya ang tinapay.
"I-I am not staring at you, I'm just looking at you" sabay pout nito, napatingin tuloy ako sa labi niyang mapula. Fuck Sean? Stop admiring that stupid girl.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" inis kung tanong sakanya.
"Kasi late na ako sa first subject ko."
"Then? So kailangan mo akong banggain?" kumot naman ang noo niya sa biglaang pagtaas ng boses ko, bakit ba ako nakikipag away sa isang studyante?
"Excuse me, pareho tayong di nakatingin sa dinadaanan natin, so kasalanan mo ding nabangga kita.." She paused. "And nabangga mo din ako." Taray naman ng singkit na to.
"Wow, so ako pa ngayon ang may kasalanan, Young lady?"
"Oo and-" sabay tingin nito sa wrist watch niya, nakita ko ang paglaki ng mata niya at tinignan ako. "Oh shit, 5 minutes late na ako! Balaka jan! May kasalanan ka din saakin." sabay takbo nito. I scoffed. At ako pa ang nagkasala ha. Hindi niya ba alam na Teacher ako dito? That lady. Napailing nalang ako at naglakad papunta sa klase ko. As what i expected, magulo nanaman sila.
"Goodmorning Class." binati naman nila ako pabalik. "So today, you have a new classmate. Have you seen her? i asked. Tumingin naman sila sa babae.
"You?" inis na tanong ko.
"Y-yes."
"Bro, bakit bad mood ka?" Nico asked.
"Yung transfree, unang araw palang pinainit na yung ulo ko." inis akong nagtitipa sa laptop ko, wala naman siyang ginagawa maliban kaninang umaga pero ewan nakakainis siya.
"Cafeteria, Let's go!" aya ni Thunder.
"Gusto mo lang magpapansin sa mag chiks na estudyante eh." sabad ni Jillian.
"Hoy hindi ah." pag angal ni Thunder. "Baka yang bebe mo."
"Tara na nga, dami mo pang sinasabing bonak ka." hinatak na niya si Benj kaya nagsisunod kami. Habang naglalakad, napatigil si Jillian sa paglalakad. Sinagot niya ang tawag at mabilis na ibinaba yun.
"Pakisabi absent ako ng afternoon, si Jia kasi mataas daw yung lagnat, una na ako bye. And Benj wag mo na ako sundan." Kaya walang nagawa si Benj kundi ang manatili.
Pagpasok namin sa loob, nagbulungan agad ang mga studyante, hindi na bago sa amin to, pero nakakailang pa din. Nag order lang kami at napatingin ako sa gilid namin at nakita ko nanaman siyang kausap ang isang babae, napatingin ito sa gawi namin at napatingin sa harap ko. Ng tignan niya ako, hindi ako umiwas ng tingin, nagtitigan kami hanggang sa irapan niya. Napangiti tuloy ako, i won.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.