Avery's POV
Ambilis ng araw, its monday! Argh! bakit ba ang aga ng class? Nag ayos nalang ako at nagbihis ng PE uniform, nagdala na din ako ng extrang damit.
Paglabas ko ng bahay, sumakay na ako kay Kuya, kaso palaging sa Starbucks ako bumaba para bumili ng coffee, pagkatapos kung bumili, inubos ko muna yun, para wala akong dadalhing basura, pumasok na ako sa university. Nginitian naman ako ng dalawang guards, pagpasok ko sa building ko, lahat ay nakatingin sa akin. Ang mga babae ang sasama ng tingin.
Tungkol nanaman ba 'to sa picture na sinbuan ako ni Sir? Bakit ang big deal para sakanila yun? Hindi ko naman ginustong subuan ako ni Sir Sean, nagulat lang din naman ako. Papatidin sana ako ng isang babae, kaso tumigil ako at tinignan ang paa niya. Nagulat ang babae ng sipain ko ang paa niya.
"Sa susunod, kung papatidin mo ako. Yung di ko makikita ha?" mataray kong sabi.
Nakanga-nga lang ang babae, at yumuko. Naglakad na ulit ako, nakarinig naman ako ng bulong- bulongan.
"Porket naka date si sir, ang angas na"
"Maganda nga, malande naman"
"Kung ako nanay niyan, sinampal ko na yan, lande kasi eh"
Nilingon ko naman ang tatlong nagbubulungan, parang scholar lang ang mga ito, halata naman eh. Hindi ko naman balak manliit ng kapwa studyante, pero tingin kase nila sa akin parang isang hito.
Tumigil ako sa harap nila, at tinignan ko sila ng seryuso.
"Anung sabi mo? malande ako?" tanong ko.
Nagtapang tapangan naman silang tatlo.
"Oo, malande ka naman talaga ah, sino bang studyanteng malande dito?" sagot ng babaeng hindi naman kagandahan.
"Ikaw" nakangiti kong sagot.
Nagulat naman siya sa sinagot ko.
"Opps, i mean kayo pala" pahabol ko.
"How dare you! transferee kalang naman dito ah, bat ang angas mona!" inis na sigaw ng babaeng parang clown na.
"Transferee nga ako, di naman ako scholar. Eh kayo? scholar lang" sabi ko.
"P-paano mo n-nalaman?" nakakatakot ba ako? Gosh! ang ganda ko para maging monster.
"Easy, sa aura niyo palang, halatang scholar na, and kahit na transferee lang ako. I have a power para paalisin kayo sa skwelahang 'to. "
"At paano mo naman yun gagawin!?" sigaw ng kasama niyang parang clown din.
"Sasabihin kung, binully niyo ako. At kapag nagawa ko 'yon, madali lang kayong mawawala kasi nga scholar lang kayo" and nag poker face ako.
Nanginginig sa takot ang isa nilang kasama. Inirapan ko nalang sila at nagtungo sa classroom ko, papasok na sana ako ng lumabas si Aly at Jedrek.
"Avery. Mamaya kana pumasok kapag nandyan na si Sir, kasi ibubully ka nila, kalat na kalat kasi sa buong univerisity ang picture niyo" paliwanag ni Jedrek.
"Bakit ba sobrang big deal ng picture na 'yon?" naiinis kong tanong.
"Hindi ko alam" sagot naman ni Aly.
"Pupunta muna ako sa restroom" paalam ko.
"Sige hintayin ka namin dito" tumango naman ako at nagtungo na sa malapit na restroom.
Hindi ko nalang pinansin yung mga babaeng studyanteng masama ang tingin sa akin. Yung mga lalake naman, parang wala lang sakanila yung kumalat. Buti pa sila walang pakialam, eh yung mga babae akala mo naman, jowa sila ni Sir.
YOU ARE READING
My Prof is my Lover
RomanceI am a 4th year college transferee,at dahil bago pa ako sa paaralang aking pinapasukan,wala pa akong kilala. But may makikilala akong, magiging parte ng aking buhay studyante.